• Home
  • Fresh Scoops
  • DSWD Secretary Judy Taguiwalo also thanks Angel Locsin for visiting the refugees.

Neil Arce defends Angel Locsin from bashers

DSWD Secretary Judy Taguiwalo also thanks Angel Locsin for visiting the refugees.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/11/2017 09:44 AM
Neil Arce defends Angel Locsin from bashers

 

Nakakalungkot na sa kabila ng malinis na intensyon ni Angel Locsin na matulungan ang mga biktima ng giyera sa Marawi City sa Mindanao ay may mga namba-bash pa rin sa kanyang ginagawa.

Sirekto ang ginawang pagdalaw ni Angel sa evacuation centers ng Marawi at sa Balo-i, Lanao del Norte bilang volunteer ng relief operation ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP), pero hindi naiwasang makilala siya.


Sa kagustuhan ni Angel na makasama ang evacuees at personal na mag-abot ng tulong, hindi rin naiwasang kumalat sa social media ang kanyang mga litrato na pinagmulan ng inintriga na bakit kailangan pa raw i-publicize ang kanyang ginagawa sa Marawi evacuees.

Sa isang Facebook post na nabasa namin ay kaagad nitong ipinagtanggol si Angel.

“She wanted to remain anonymous, but how can this event be kept as a secret if she, herself, Ms. Angel Locsin wants to personally distribute the goods to the evacuees staying at Maahad Abdul Hamid (one of the recognized evacuation center) at Balo-i, Lanao del Norte. It was indeed a blessed Jum'ah!

“May Allah subhanu wa ta'ala grant the desires of her heart. She always have a heart for us, muslims. MashaAllah!

Sa totoo lang, hindi lang naman ito ang unang beses na dumalaw si Angel sa calamity-stricken areas. Nagpunta na siya noon sa Eastern Visayas pagkatapos ng bagyong Yolanda at sumama na rin sa iba pang mga relief operations.

Hindi na rin bago ang aktres in volunteerism dahil she is an ambassador of the Philippine Red Cross.

Hindi rin napigilan ni Neil Arce na kaibigan ni Angel at producer ng N2 Productions na mag-react sa ilang namba-bash kay Angel.

“I just read someone’s post here on face book sabi, ‘When you do charity, do it quietly.’ Saw the comments sections as well ang dami nilang alam.

“The person you are talking about went to the most dangerous area in the Philippines unannounced and without bodyguards or even government supervision.

She risked her life just to help our countrymen. Media picked it up on her 2nd day there, hindi po yon pinatawag and hindi pinlano. She spent her own money and wanted to do it as quietly as possible.”

Patuloy pa ni Neil, “What have you done to help? What have you done to inspire people to help? Pati yung mga nagco-comment puro press pa kayo. Bring it on, sulat niyo na ko ng masama, wala akong paki.

“I know there are still good people out there but you people bashing people who are just trying to help others you are scum.”

Nagpasalamat naman si DSWD Secretary Judy Taguiwalo sa ginawa ni Angel via Twitter: “Thank you, Ms. Angel Locsin for calling attention to the plight of Marawi evacuees. We hope more Filipino youth emulate women like Ms. Angel Locsin who speaks and stands for others.

“None of us can be like Darna & fly to rescue people. But we can be like ms. Angel Locsin & care for those in need like the Marawi evacuees.”