• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ang pangalawang beses na ninakawan ang bahay ng pamilya ni Baron sa Pampanga.

EXCLUSIVE: Baron Geisler natakot at na-trauma sa panloloob sa bahay niya ng mga magnanakaw

Ito ang pangalawang beses na ninakawan ang bahay ng pamilya ni Baron sa Pampanga.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/12/2017 06:23 AM
EXCLUSIVE: Baron Geisler natakot at na-trauma sa panloloob sa bahay niya ng mga magnanakaw
Photo credit to barongeisler IG
Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng aktor na si Baron Geisler sa Angeles, Pampanga noong Huwebes, June 8.

Wala si Baron sa bahay noong mga oras na nangyari ang pagnanakaw dahil nasa meeting ito sa Manila.

Ayon kay Baron sa text niya sa amin, “Sabi ng mga kapatid ko, around 6 a.m. daw ay napansin ng mga kapitbahay na bukas ang gate at pintuan ng bahay ko na hindi sila sanay na ganu’n ako. Kasi kapag nasa bahay ako lahat nakasarado.

Inamin ng aktor na dalawang beses na pala siyang nanakawan sa kanyang bahay.


“Yung unang beses, kilala ko yon. Yung pangalawa, yon yung pwersahan na talaga na pinasok yung bahay at gumamit ng kung anuman para sirain yung lock ko sa gate at yung lock ko sa main door.

“Yung mga ninakaw sa akin mga relos ko lang, anim o mahigit. Sa ngayon, ‘yon pa lang yung nakikita ng mga pulis at ng mga kapatid ko.

“Hindi pa kasi ako nakakabalik sa bahay namin. Nakituloy lang ako sa kaibigan ko sa Laguna, ngayon pa lang ako bibyahe pauwi para i-check lahat.

“Nakakatakot kasi. Medyo traumatic kasi. Buti na lang wala ako doon nung pinasok yung bahay. But still, God is good, Mama Leo,” patuloy niyang text.

Nagbulalas din ng nararamdaman si Baron sa kanyang Facebook account.

“Dalawang araw akong nagpigil na hindi ipost ito pero medyo mahirap na rin na hindi. Napasok ang bahay ko sa Pampanga habang wala ako dun at nasa Manila ako para magpunta sa meeting.”

“May mga bagay na nakuha sa bahay ko na may sentimental value pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos na wala ako dun ng mga panahon na yun.”

Patuloy pa niya, “Ang gamit ay gamit lang, pero ang buhay ay buhay. Sa kung sinoman ang nanloob sa bahay ko, pinapatawad ko na kayo dahil mukang mas nangangailangan kayo.

“Sa mga kapatid ko, sa mga kapitbahay, at mga pulis, maraming salamat din sa pag-asikaso at pagtulong sa pag-aayos sa mga ginulo ng mga nanloob sa bahay ko. Pinagdarasal ko na sana hindi na maulit itong pangyayaring ito sa akin at sa kahit sinoman.”