• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina talks about how Megastar Sharon Cuneta made an impact on her life.

EXCLUSIVE: Ara Mina reveals why she considers Sharon Cuneta as one of her best influences in life

Ara Mina talks about how Megastar Sharon Cuneta made an impact on her life.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/11/2017 09:17 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina reveals why she considers Sharon Cuneta as one of her best influences in life

 

Bihira ang nakakaalam na malaking impluwensiya sa buhay ni Ara Mina si Megastar Sharon Cuneta.

Bukod daw sa mom niya, malaki ang nagawa sa buhay niya ni Sharon.


“There are two women that I really look up to. First, my mom, siyempre di ba? She’s a very tough person.

“She was very beautiful nung kabataan nya and even up to now, maganda pa rin sya. Kaya rin siguro nakahiligan ko ang magpaganda kasi maganda ang mommy ko,” pagtatapat niya.

Patuloy pa ni Ara, “The other one is Ate Sharon (Cuneta). When I was a little girl, pinapanood ko sya sa TV and sobrang idol ko talaga sya. I wanted to be like her.

“Lalo na nung nakilala ko siya. She’s very sweet, down-to-earth, and passionate with her craft. She’s really the one that I want to emulate noon pa.” Nakakabilib din na kahit matagal na sa showbiz si Ara ay nanatili pa rin siyang passionate sa kanyang career.

“Kasi not everyone is given the chance to enjoy the opportunities that were given to me,” katwiran ng award-winning actress. “Kung hindi ko bibigyan ng value and mga ito, I’m pretty sure I would just do everything half-heartedly.

“So siguro, yun ang secret kung bakit passionate ako with everything that I do career-wise.

“I value these opportunities and treat each one of them as a blessing and it motivates me to give and do my best,” tuluy-tuloy pa niyang pahayag.

Kung hindi siya naging artista, ano kayang trabaho ni Ara ngayon?

“Siguro businesswoman ako kasi mahilig naman ako talaga magnegosyo.

“I’d probably be a wife and mother na may home-based business or baka OFW. Madaming possiblities kasi for sure, I wouldn’t settle na wala akong ginagawa,” masaya niyang pagtatapos.