• Home
  • Fresh Scoops
  • Ella Cruz and Julian Trono also talk about dealing with badgers.

Ella Cruz and Julian Trono reveal what they feel about their first movie together

Ella Cruz and Julian Trono also talk about dealing with badgers.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/11/2017 09:13 AM
Ella Cruz and Julian Trono reveal what they feel about their first movie together

 

Masaya ngayon ang dalawa sa mga tinaguriang internet sensation na sina Julian Trono at Ella Cruz para sa panibagong blessing na kanilang natanggap ngayon.

Mula kasi sa mga viral dance cover ng dalawa ay napunta sa big screen ang bagong rising love team ng Viva artists para sa pelikulang Fanboy/Fangirl.


Sa panayam na ito ng PUSH na ginawa sa set visit ng kanilang upcoming movie, ibinahagi nila ang kanilang pananabik sa proyekto.

"Hindi ako makapaniwala na from dancing ngayon may pagkakataon na kami na mapakita ang kakayahan namin sa pag-arte and big dream ko po bilang artista ang magkaroon ng sariling movie na ako po ang bida," panimula ni Ella.

Malaki din ang pasasalamat ni Julian dahil sa unang proyekto niya sa Viva ay makakasama niya agad si Ella na aminadong espesyal sa kanya ngayon.

"It's a great privilege for and thankful sa Viva Management. Excited po kasi makakasama ko si Ella kumbaga magiging madali nalang kasi hindi na namin kailangan dumaan sa adjustment period," ani pa ni Julian.

Kasabay naman ng kanilang unti-unting pagsikat ang pagdami din ng kanilang basher na ayon sa kanila ay minsan napapatulan din nila ang mga ito.

"Hindi naman ako pumapatol pero minsan kapag constructive naman ang pagkakasabi doon minsan nag thank you ako sa kanila kasi minsan sila din ang tutulong para ma improve mo pa ang ginagawa mo," sabi pa ni Julian.

Si Ella naman aminadong nasasaktan kapag nadadamay na ang pamilya.

"Depende po pero kapag family ko na yung binabanatan. Doon na ako medyo pumapalag. Siyempre ako lang naman nag-artista so ako lang ang pakialaman niyo."

Bukod dito pinabulaanan din ni Ella at Julian ang mga isyu na sila na daw umano ang bagong paborito ng Viva Management kasunod ng tambalan ng JaDine.

"Nakakatuwa po kasi sobrang overwhelmed po kami sa binibigay na project ng Viva gaya ng movie na ‘to na pinagkatiwala sa amin and at the same time sobrang thankful kaya kami ginagawa namin talaga ang best namin kasi yun ang way namin ng pasasalamat sa kanila," paliwanag ni Ella.

Para naman kay Julian ibinabalik lamang niya ang tiwala na ibinibigay sa kanila ng Viva management.

"Overwhelmed and at the same time contained kami palagi. Mahirap kasi ma-over pressure ka na hindi ka na makapag-perform ng maayos kung under pressure. So kami nag-effort talaga kami na maibalik yung effort na binbigay ng management sa amin na talagang hands on kami sa work," pahayag pa ni Julian.

Sa ngayon, abala si Ella at Julian sa shooting ng kanilang pelikula na nakatakdang ipalabas any time soon.