• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gutierrez says he feels right at home after getting a warm welcome on ‘ASAP’

Richard Gutierrez on ASAP guest appearance: ‘Medyo surreal yung experience’

Richard Gutierrez says he feels right at home after getting a warm welcome on ‘ASAP’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/10/2017 09:59 AM
Richard Gutierrez on ASAP guest appearance: ‘Medyo surreal yung experience’


Parang naging family affair ang guesting at pagwe-welcome ng ASAP kay Richard Gutierrez bilang bagong Kapamilya nung Sunday. Ang partner niyang si Sarah Lahbati pa ang nag-opening number.

Habang kinakanta ni Richard ang “Hinahanap-hanap Kita” ay grabe ang tilian ng audience.

Nasa audience din that time si Annabelle Rama kasama ang mga apong sina Lorin and Venice na anak ni Ruffa Gutierrez. Nasa audience din ang mag-ina ng aktor na si Sarah and Baby Zion.


May mga video message din na ipinakita from his past leading ladies na sina Iza Calzado, Cristine Reyes and KC Concepcion.

“Oo, medyo surreal ‘yung experience sa ASAP. Wala, parang hindi ko ma-imagine na finally andu’n na rin ako.

“Ang nag-welcome pa sa akin, ‘yung mga Kapamilya stars and nakita ko rin si Toni (Gonzaga), si Jolina (Magdangal) na mga familiar faces sa akin.

“So, ang sarap ng feeling na parang ang bait sa akin ng mga tao,” bulalas ng aktor na gumaganap bilang hari ng mga bampira sa La Luna Sangre.

Nagpasalamat din ang aktor sa mga naging kapareha niya noon.

Aniya, “Gusto kong magpasalamat kay Cristine, kay KC and kay Iza na winelcome nila ako. Ang sarap ng feeling, you know, everybody’s been so nice to me and welcoming. So, I feel right at home.”

Ayon pa kay Chard, magiging busy siya sa taping ng La Luna Sangre at sa syuting ng pelikulang gagawin niya sa Star Cinema with Angel Locsin and Angelica Panganiban kaya hindi raw muna sila magta-travel.

“Actually, may mga travel plans nga ako this year, medyo na-cancel. Siyempre, ‘yung time ko, ‘yung effort ko lahat, naka-dedicate na ‘yun dito sa project.

“I took some time off, spend time with my family and siyempre, nakita kong lumaki si Zion, so ang sarap ng feeling na ‘yun and finally we’re back here, I’m back on the grind and I’m embracing the grind,” pagtatapos ni Richard.