Angel Locsin: ‘Sana matapos na to para makabalik na sila sa mga tahanan nila'

Angel Locsin visits refugees in Marawi City.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/10/2017 05:09 PM
Angel Locsin: ‘Sana matapos na to para makabalik na sila sa mga tahanan nila'


Sa TV Patrol, ibinalita na binisita ng aktres na si Angel Locsin ang mga refugees sa Marawi City kung saan may nagaganap na gera.

Ani Angel, “non-stop naman yung mga tunog ng baril, ng bomba. Nakakakaba pero kung kayo nga nandito di ba? Ako naman ginagawa ko lang yung part ko, nandito ako kasi parang nabalitaan ko na parang maraming refugees dito.”

Hiling ni Angel, “sana matapos na ‘to para makabalik na sila sa mga tahanan nila. Makapagsimula na. Yun lang naman ang lagi kong naririnig na hinihingi ng mga tao. Para rin sa mga nag-aantay sa mga sundalo, makauwi na sila sa mga pamilya nila.”


Ayon sa report ni Jeff Canoy, meron na ngayong 48,000 pamilya ang lumikas dahil sa kaguluhang nagaganap sa Marawi City.