• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal and Mark Escueta are planning an addition to their family.

Jolina Magdangal says she’s ready to have another baby

Jolina Magdangal and Mark Escueta are planning an addition to their family.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/01/2017 12:07 PM
Jolina Magdangal says she’s ready to have another baby

Sa naganap na endorsement renewal ng Magandang Buhay host momshie Jolina Magdangal para sa Super Twins Diaper, naibahagi ni Jolina at ng kanyang asawa na si Mark Escueta ang kanilang plano na sundan na ang kanilang three-year-old na anak na si Pele.

Kuwento pa nila, ayaw nilang malayo ang edad ng kanilang second baby sa edad ng panganay.

"Sana very soon, sana mangyari. Medyo ang main problem namin talaga yung schedule din namin talaga e. Minsan meron siyang shows na everyday, minsan Sunday. Kailangan kong planado din," pahayag ni Mark.


Para naman kay Jolens, kung papalarin siyang magbuntis muli ay gusto niya sanang maging kambal ito.

"Gusto ko sana ng twins para tatlo na agad sila, but kung kaya pa naman at hindi pa ika ika why not? The more, the merrier. Hanggang kaya ng katawan natin," sabi pa ni Jolina.

Naniniwala din si Jolina at Mark na bukod sa kanila, handa na din ang kanilang panganay na magkaroon ng kapatid.

"Kasi pag nakakakita siya ng bata—lalo pag baby—na-e-excite siya, nilalaro niya. Hindi ko alam kung senyales na yun na baka gusto na niya magkaroon ng kapatid dahil talagang maingat siya pag baby ng baby," sabi pa ni Jolens.

Bukod dito aminadong, hands-on parents at disciplinarians sina Jolina at Mark dahil ayon sa kanila ay wala pa din silang yaya na siyang nag-aalaga kay Pele kapag sila ay nasa trabaho.

"Pareho kaming disciplinarian. Hindi kami pwedeng magka-iba kasi para sa akin diyan nagkakaroon ng favoritism ang mga bata e, diyan kasi dyan nabubuo ang magaging Daddy's boy at Mommy’s boys."

Bukod sa kanilang endorsement renewal, masaya din si Jolina para sa panibagong taon din ng kanilang programa na Magandang Buhay kasama sina Karla Estrada at Melai Cantiveros.

 

"Sobrang saya and blessed siyempre. Malaking pasasalamat para sa lahat ng bumubuo at sumusubaybay sa atin araw-araw. Biruin mo yun naka-one year na tayo (laughs)," pahayag pa ni Jolens.