• Home
  • Fresh Scoops
  • WCOPA 4-time gold medalist Julia Banda reveals her struggles coping with her deaf and mute parents.

EXCLUSIVE: WCOPA 4-time gold medalist Julia Banda talks about having deaf and mute parents

WCOPA 4-time gold medalist Julia Banda reveals her struggles coping with her deaf and mute parents.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/01/2017 12:00 PM
EXCLUSIVE: WCOPA 4-time gold medalist Julia Banda talks about having deaf and mute parents

Deaf and mute ang parents ng 2014 World Championship of Performing Arts (WCOPA) four-time gold medalist na si Julia Banda. Winner siya ng gold sa Pop, Rock, Gospel at Open category. At nanalo din siya ng silver sa Broadway category.

Nakalaban noon ni Julia ang mga delegado mula sa halos 40 countries sa ginanap ng kompetisyon sa Hollywood.

Sa interbyu ng PUSH kay Julia, inamin niya na mahirap talagang magkaroon ng deaf and mute parents.


“Yung struggle po talaga is yung communication po. Madalas mahirap ipaalam sa kanila kung ano yung gusto ko talagang sabihin lalo na nung hindi pa ako masyadong marunong mag-sign language.

“Ang naging tulong po talaga no’n since close kami as a family, eh, yung mga titas ko na rin po saka yung mga kasama namin sa bahay. Since sila yung marunong, sila yung nagre-relay ng message or tinuturuan nila ako para makausap ko ang parents ko nang mas maayos,” kuwento ng singer.

May mga pagkakataon din daw na nagdarasal siya ng himala para marinig man lang ng mga magulang niya ang kanyang mga kanta.

Aniya, “Gustung-gusto ko po na marinig nila ako kung paano ba ako kumanta. Lalo na na po pag may mga shows ako o talagang malaking events. I wish nasana naririnig nila ako.

“May moment po kasi na gusto ko sanang marinig nila. Like nu’ng laban ko sa WCOPA, siyempre, very important sa akin yon kasi laban ko yon, eh, at sana narinig nila. Pero ganu’n po talaga, eh. Pero sabi ko nga, okey na po yung presence nila.”

Emosyonal pa niyang kuwento, “Naalala ko po nung 2013, very memorable sa akin, kasi yon po yung year na nakakuha si papa ng hearing aid, noon niya ako unang narinig na nagsabi ng ‘papa.’ Pero ngayon po, totally hindi talaga nila naririnig.

“Naririnig lang po nila yung parang form ng words pero hindi po yon talagang mismong words.”

Magkaganun man, tanggap naman daw niya ang mga pangyayari.

“Accepted ko na rin po. At saka, if ganito talaga yung binigay sa akin (ni Lord), then tinatanggap ko po siya. Ang importante po kasi sa akin is they’re always there to support me.

“Na nanonood sila ng shows ko kahit na hindi nila naririnig. At times, aminado po ako, talagang nalulungkot ako, pero mas natatalo po ng happiness na palagi silang nandiyan.

On the ligther side, masaya namang ibinihagi ng singer na normal silang apat na magkakapatid at wala nagmana sa disability ng kanilang parents.

“Bawing-bawi po sila sa amin kasi madadaldal po kaming lahat,” pahayag niya.

Humarap sa ilang entertainment press si Julia para sabihing handa na siyang i-pursue ang singing career na naudlot noon dahil sa pag-aaral niya ng BS Psychology sa Miriam College.