• Home
  • Fresh Scoops
  • Annabelle Rama says son Richard Gutierrez’s move to ABS-CBN is a dream come true

Annabelle Rama says son Richard Gutierrez’s move to ABS-CBN is a dream come true

Annabelle Rama admits she was teary-eyed during son Richard Gutierrez’s contract signing.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/1/2017 10:21 AM
Annabelle Rama says son Richard Gutierrez’s move to ABS-CBN is a dream come true


060117-AnabelleRama_PUSH.jpg

Opisyal ng pumirma ng two-year exclusive contract sa kapamilya network ang aktor na si Richard Gutierrez kahapon, May 31.

Bago pa man ang nasabing contract signing, kasado na din ang nakatakdang balik pelikula ni Richard sa Star Cinema na may working title na Wife Husband Wife kung saan makakasama niya sina Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Bukod sa buena manong pelikula with Angel, pinakilala na din si Richard bilang si Sandrino na gaganap bilang hari ng mga bampira sa upcoming serye na La Luna Sangre.

"Ang sarap sa pakiramdam na andito ako ngayon and I consider this as a new journey and a new chapter at para akong nag sisimula ulit. Ang sarap sa pakiramdam na I'm a student of the game once again," pahayag pa ni Richard.

Present din sa naganap na contract signing ang talent manager at mommy ni Richard na si Annabelle Rama na all out ang support para sa anak.

"At last ang aking dream comes true kaya sobra talaga akong natutuwa. Teary-eyed nga ako kanina (while signing contract) kasi dream talaga mismo ng anak ko na mapunta dito," sambit pa ni Annabelle.

Bakas din ang kasiyahan sa mukha ni Annabelle para sa panibagong simula sa career ng kanyang anak.

“Nung in-offer na sa kanya, gustung-gusto niya at excited talaga siya. Sabi niya, 'Mommy ito na! This is it! Tanggapin na natin,'” pahayag pa nito.

Sa ngayon kasalukuyang abala si Richard sa taping para sa nalalapit na pag-uumpisa ng La Luna Sangre.