• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin passes on her Darna comic books to Liza Soberano.

Angel Locsin approves of Liza Soberano as the next Darna

Angel Locsin passes on her Darna comic books to Liza Soberano.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/01/2017 11:54 AM
Angel Locsin approves of Liza Soberano as the next Darna

Sa TV Patrol, ibinalita na pinabigay ni Angel Locsin kay Liza Soberano ang mga comic books niyang Darna pagkatapos ianunsyo na si Liza na ang napiling Darna kapalit ni Angel. Matatandaang nagkaroon ng spine injury si Angel kaya hindi na niyang kaya ituloy ang role.

Ani Liza, “sobrang happy. Nakakakilig po kasi hindi ko naman ini-expect na ganun po yung support niya sa akin. Of course, I know how much she loved the role as well pero yun nga I’m just so happy that she’s happy with their choice for choosing me as well.”

Pinuntahan rin ng reporter na si MJ Felipe si Angel at sinabi ni Angel na, “I’m very excited for her. I know kung gaano kahirap but napaka-fulfilling ng role na to at isang napakasayang adventure. At simula pa lang to ng lahat ng magagandang bagay na mangyayari sa kanya.”


Dagdag pa ni Angel, “Those comic books are very special to me kasi binigay sa akin yung comic books na yun nung unang beses akong gumanap ng Darna. At sana makatulong sa kanya.”

Mensahe pa niya para kay Liza, “Sana maipasa rin niya yun sa susunod na Darna.”