Sandara Park reveals her future boyfriend goals

Sandara Park denies she’s the reason for the Robi Domingo-Gretchen Ho split.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/9/2017 10:20 AM
Sandara Park reveals her future boyfriend goals


050917-SandaraPark_PUSH.jpgNot Guilty!

Ito ang naging sagot ng nagbabalik bansa na si Sandara Park sa issue na may kaugnayan siya sa paghihiwalay ng showbiz couple na sina Robi Domingo at Gretchen Ho.

Paglilinaw ni Sandara, nakakahiya kay Robi dahil malapit silang magkaibigan nito.

“Hindi po totoo yun kasi we're just good friends lang po with Robi and that's it. Parang hindi lang po maganda na marinig yung ganung issue kasi baka masira po ang friendship namin."

Diretsong sinasagot din ni Sandara ang mga tanong tungkol sa personal na buhay nya na ikinatuwa ng showbiz media.

Kuwento ni Sandara, bawal daw siya magka-boyfriend sa loob ng kontrata na pinirmahan nya sa Korean management team na tumutulong sa kanyang career.

“Meron ako mga naka-MU pero I was not brave enough na magka-boyfriend kasi mayroon sa contract na pinirmahan ko with my manager na ‘bawal ang boyfriend’ for three years.”

Pero kung darating ang magpapatibok ng kanyang puso at magiging inspirasyon, ito daw ang kanyang magiging desisyon: "Siyempre kung mayroon dyan prince charming na darating na talagang (buntong hininga) siya talaga ang crush ko! Pwede naman magka-boyfriend!"(laughs)

Hindi katangkaran, hindi kalakihan ang katawan at may mahabang pasensiya. Ilan lang yan sa mga qualities na hinahanap ni Sandara sa isang lalaki.