Jaya reveals lesson learned from trusting too much

Jaya says she let go of her driver due to financial issues.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/9/2017 10:04 AM
Jaya reveals lesson learned from trusting too much


Bigay todo pa rin sa pagpe-perform si Jaya na naghahanda para sa kanyang major concert ngayong Mayo.

Sa media conference para sa kanyang Jaya No Boundaries concert, naibahagi ni Jaya ang problemang pinagdaanan sa kanyang personal driver. Ayaw na magbigay detalye ng singer sa naging problema at iwas ng sumagot sa issue. “Wala lang. ‘Wag na natin pag usapan baka sumikat siya.”

Wala na sa poder ni Jaya ang driver at siya ngayon ang nagda-drive sa sarili papunta sa showbiz commitments. Kuwento pa ni Jaya, minsan hindi maganda ang naidudulot ng sobrang kabaitan sa ibang tao. “Never trust people that much and don’t. Para kasi sa akin ang trabaho, dapat trabaho. Ang Filipino kasi mapagbigay, nagi-extend tayo doon sa dapat lang ibigay and then later on kapag natira tayo, nganga. Ano nangyari?.”

Pahayag pa ni Jaya, may kinalaman sa usapang financial ang naging problema sa kanyang ex-driver pero wala ng plano si Jaya na maghabol pa dito. “I just leave it all to God. Alam naman niya eh. ‘Wag ng habul-habulan, ‘wag na waste of time. Alam naman niya eh.”

Sabi pa nito ipinagpapasa-Diyos na lang ni Jaya ang lahat at nagpapasalamat pa rin sa lahat ng blessings na natatanggap niya sa career at personal na buhay.