Iza Calzado reacts to being bashed by TonDeng fans

Iza Calzado has request for her bashers.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/9/2017 10:28 AM
Iza Calzado reacts to being bashed by TonDeng fans


050917-IzaCalzado3_PUSH.jpgAll smiles sina Ian Veneracion at Iza Calzado sa naganap na red carpet premiere ng award-winning movie ng TBA productions na Bliss.

Sa panayam na ito, ibinahagi ni Iza ang kanyang nararamdaman para sa proyektong na nagbigay sa kanya ng karangalan bilang 2017 Best Performer of the year sa katatapos lang sa Osaka Asian Film Festival sa Japan.

"Masaya na excited na kinakabahan, kasi malapit na ipalabas dito sa atin and it's been getting good reviews. But I hope that good reviews will also translate into good numbers," bungad ng aktres.

Kilala din ngayon si Iza bilang si Grace na kontra sa pag-iibigan nila Anton at Andeng sa kilig teleserye tuwing gabi na A Love To Last.

Aminado si Iza alam niya na marami na ang naiinis sa kanya ngayon dahil sa kanyang ginagagampanan na role.

"Well maganda yun kasi ibig sabihin effective yung character ko, ang aking portrayal so thank you sa mga naiinis (Laughs). Sana lang kapag itata-tag niyo naman po ako, huwag niyo naman akong patayin (laughs). Sabihin niyo na lang na ayaw niyo si Grace, huwag niyo naman ayawan si Iza,” pagbibiro pa ng aktres.

Dagdag pang biro ni Iza, "Lalo na po doon sa bata [JK Labajo] kapag ita-tag niyo naman siya in refer to his character [Lucas] kasi lalo na yun bata pa yun. 16 pa lang, let's be specific," sabi pa nito.

Samantala, nilinaw din ni Iza ang umuugong na balitang plano na niyang pagpapakasal umano sa kanyang longtime boyfriend na si Ben Wintle.

"Hindi pa po natin alam kung kailan, pero I would be so honored if I would be married on that date (2018) the auspicious date. But I think any date will do as long as it’s with Ben," pagtatapos na pahayag ni Iza.