Gong Yoo reacts to Kuya Kim Atienza saying they look alike

Kim Atienza interviews the Korean super star in Hong Kong.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/09/2017 10:29 AM
Gong Yoo reacts to Kuya Kim Atienza saying they look alike

050917-GongYoo_PUSH.jpgSa TV Patrol, na-interview ni Kuya Kim Atienza ang award-winning Korean actor at Goblin star na si Gong Yoo. 

Nang tanungin ni Kuya Kim si Gong Yoo kung saan nito gustong pumunta sa Pilipinas kung sakaling makadalaw siya sa ating bansa, ang sagot ni Gong Yoo ay, “I don’t have knowledge about the Philippines, please recommend where I should go.”  Sinabi naman ni Kuya Kim na, “I’d like for you to go to Palawan, beautiful clean beach. The water is the clearest in the world.” 

Tumawa si Gong Yoo at sinabing, “I should go.” 


Kasama rin ni Kuya Kim sa pagpunta niya sa 2017 Gong Yoo Live Make A Wish in Hong Kong ang pambansang fan girl ni Gong Yoo na si Anne Curtis. Nang tanungin ni Kuya Kim si Anne kung ano ang inaasahan nito sa fan meet, ani Anne, “Na kikiligin ako ng bonggang-bongga, sobra akong excited. He’s making a wish come true tonight.” 

Ayon sa ulat ni Kuya Kim, five years din hindi lumabas sa Korean telenovela si Gong Yoo bago niya gawin ang Goblin. 

Inabangan naman ni Kuya Kim ang reaksyon ng international star nang sabihin niya na “You and I, we look alike.” Matagal tumingin si Gong Yoo kay Kuya Kim bago nito sinabing, “Thank you,” na ikinatuwa naman ni Kuya Kim.