• Home
  • Fresh Scoops
  • Will Ian Veneracion’s son Draco follow in his footsteps as an actor?

Will Ian Veneracion’s son Draco follow in his footsteps as an actor?

Ian also talks about “Tondeng” engagement in “A Love To Last.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/8/2017 3:22 PM
Will Ian Veneracion’s son Draco follow in his footsteps as an actor?


Dinumog ng mga tagahanga si Ian Veneracion sa red carpet premier ng kontrobersyal na pelikula ng TBA productions na Bliss.

Kuwento ni Ian ito ang unang beses na makikita niya ang kanilang proyekto ni Iza Calzado na mag uumpisang mapanuod sa mga sinehan sa May 10.

"I'm really excited to watch the movie kasi hindi ko pa siya napanuod ng buo, so I'm really excited kasi napakaganda ng script and the way we shot it iba," sabi pa ni Ian.

Bukod sa Bliss, abala din mag aktor sa gabi gabing pagpapakilig nila ni Bea Alonzo sa primetime teleserye na A Love To Last.

"Nag propose na si Anton kay Andeng so this week mas marami pa silang aabangan."

Aminado ang aktor na hindi niya alam ang kanyang impact ngayon sa mga kababaihan dahil sa kanyang pag ganap bilang si Anton Noble.

"Talaga? (Laughs) Wala pa akong alam masyado, kasi hindi ako active sa social media, pero nagpa-pasalamat po ako sa pagsuporta sa ‘kin," saad pa ni Ian.

Samantala sa panayam na ito,naitanong din natin kay Ian kung may plano din ba na mag try sa showbiz ang kanyang anak na si Draco, na agaw pansin din ang kagwapuhan.

"No … no, walang hilig yun sa showbiz. May mga nagtatanong nga din sa akin pero lagi ko sinasabi na wala talaga sa hilig niya ang pag-arte," pahayag ni Ian.