Vice Ganda on his love life: ‘Masaya po ako talaga’

The comedian shared he wants to keep the identity of his special someone a secret.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/8/2017 1:38 AM
Vice Ganda on his love life: ‘Masaya po ako talaga’



Ayon kay Vice Ganda, masaya raw ang kanyang love life ngayon. Ito ang kanyang ipinagmalaki sa ginanap na intimate chickahan niya with few entertainment press held recently.
Pero ayaw na raw niyang magbigay ng clue kung sino ito.

“Opo. Parang as much as possible ‘wag ka na ring masyadong madaldal kasi habang dumadaldal ka, pinapahirapan mo lang din ang sarili mo  at pinapaliit mo yung mundo ko. Ngayon, okay naman kami. Basta happy ako, happy kami. Masaya po ako talaga,” pagtatapat niya sa PUSH.
Patuloy pa ng host ng It’s Showtime, “Iba yung ganda ko ‘di ba? Iba rin yung ganda ko lately, eh. Hindi ko ma-handle. Ha-ha-ha!

“Ngayon hindi n’yo na talaga mabubuking. Ngayon hindi na ako magsasalita talaga. Ayoko na talaga.”
Medyo maluwag daw ang kanyang schedule kaya naisingit niyang magkaroon  ng love life.
“Eh, kasi wala naman akong ginawa lately.  Ang pinagkabisihan ko lang pagpasok  ng taon yung concert lang. Pagtapos ng concert wala na. Yung movie ko last quarter naman kaya marami-rami na rin akong time after Showtime na humarot-harot. Nagpapakababae lang din minsan… yung ganu’n,” sabay halakhak niya.

Bigla naming tinanong si Vice kung ano ang reaksyon niya sa balitang kasal na ang basketbolistang si Terrence Romeo na minsang na-link sa kanya.
Halatang ayaw niyang sagutin ang tanong namin in a very polite manner.
“Ay, wala po akong reaksyon diyan. Ayokong mag-comment. Wag na nating pag-usapan yan,” paiwas niyang pahayag.

“Bigyan natin siya ng kapayapaan, kasi hangga’t binabanggit natin siya, eh, hindi siya matatahimik,” hirit pa niya.

Pangugulit namin, wala man lang bang ‘I’m happy for him’ siyang sasabihin? 
“Pag sinabi ko na I’m happy for him, isusulat n’yo yan tapos lalaki na naman yan.”
Eh, kahit congratulations ba wala rin?

“Yang congratulations na yan, pag nagsalita ako lalaki na naman yan. Yang congratulations na yan magiging… Ayokong magsalita.
“Ayoko nang ma-konek sa kanya, ‘wag na nating anuhin… let’s give him peace,” pakiusap niya.