Louise delos Reyes to work in ABS-CBN?

The former GMA star says she’s looking forward to fresh opportunities since she’s now under new management.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/8/2017 1:53 AM
Louise delos Reyes to work in ABS-CBN?



Ngayong pumirma na ng five-year management contract ang dating Kapuso star na si Louise delos Reyes sa Viva Artists Agency (VAA) ni Veronique del Rosario kaya hindi malabong makatrabaho niya ang ilang Kapamilya stars sa ABS-CBN.

Maganda ang working relationship ng Viva at ABS-CBN kaya posibleng bigla na lang bumalaga ang beauty ni Louise sa isa sa kanilang mga teleserye.

“I’m very open with that idea. And I think, since I'm with Viva now, mailalagay nila ako sa tamang side. And I’m very open kahit saan nila ako ilagay,” pahayag ni Louise na nakagawa na rin ng pelikula sa Cinema One kasama si Jasmine Curtis – ang Baka Bukas.
Patuloy pa ni Louise, “I actually came from ABS-CBN- nung bata ako. Hanggang 12 years old, nandun ako, e.

“And then, nag-stop ako, kasi gusto kong mag-aral, e. Tsaka awkward age na yon, eh. Hindi ka puwede sa role na bata or dalaga.

“Marami rin akong nagawa sa kanila, like Maalaala Mo Kaya at Ang TV Batch 2, na kasama ko sina Shaina (Magdayao), Denise (Laurel). So, hindi na rin sa akin bago ang ABS-CBN.”
Handa rin daw siyang baguhin ang kanyang dating image. Depende na lang daw yon sa plano sa kanya ng Viva.

 “As an artist, I want to explore more, I want to experience, and meet new people.
“So, as an artist, I just want to grow pa. Parang I just want to push myself and parang bagong environment lang din.
“Tapos na rin ako sa pa-tweetums. I want to be an actor, yung kabuuan ng pagiging artista itself,” diin niya.

Sinagot din ni Louise ang isyu tungkol sa pagiging pasaway niya noong nasa GMA-7 pa siya.
“Well, I think, kada artist naman, may kanya-kanyang topak and aminado naman ako na parang hindi ko siya nahawakan nang maayos, pero not to the point na I was parang hindi professional with my work. Kasi kung ano ‘yung binibigay na project sa akin, binubuhos ko naman ‘yung atensyon ko do’n,” paliwanag  niya.

Iginiit din ng dalaga na nag-iba na raw siya ngayon.
“I think I have a better head on my shoulders now,” sabi pa niya.

Samantala, kinilig si Louise nang tanungin namin kung sinu-sino sa mga Kapamilya actors ang wini-wish niyang makatrabaho.

“Siyempre, si Piolo. Sabi ko nga dati, wow, nangyari kay Yen (Santos), so puwede rin siguro sa akin,” sabay tawa niya.

Gusto rin daw niyang makatrabaho sina Jericho Rosales, Coco Martin at John Lloyd Cruz.