• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaya gives a mother's day tribute for Elizabeth Ramsey in her ‘No Boundaries’ concert

Jaya gives a mother's day tribute for Elizabeth Ramsey in her ‘No Boundaries’ concert

Jaya lists down the things she will miss in her concert about her mom Elizabeth Ramsey.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/7/2017 8:36 AM
Jaya gives a mother's day tribute for Elizabeth Ramsey in her ‘No Boundaries’ concert


050717-Jaya_PUSH.jpgPuspusan na ang paghahanda ng Soul pa na si Jaya para sa kanyang nalalapit na No Boundaries concert ngayong May 12 sa Music Museum.

Sa panayam na ito kay Jaya, bakas ang kanyang excitement para sa kanyang pagbabalik entablado mula noong huli niyang concert noong 2014.

Dahil dikit ang araw ng kanyang concert sa Mother's Day, hindi maiwasan na sariwain ng singer ang alaala ng kanyang namayapang ina na si Elizabeth Ramsey.

"Alam mo naman kung buhay yun hindi pwedeng hindi special guest ‘di ba? Hindi pwedeng hindi kantahin ang ‘Proud Mary.’ Nakaka-miss din talaga yung kasama siya sa entablado kasi madalas kami mag-tandem e, yung gustong gusto niya palagi na kapag magkasama kami sa show ako yung opening, tapos intro ko siya parang boxing tapos lalabas siya na parang may wrestling na magaganap so nami-miss ko yung mga ganun. Basta mayroon kaming song for her. Abangan na lang nila. Sana mapanuod niyo," aniya.

Bukod dito, nakumusta din ang kanyang relasyon sa kanyang kapatid na nakaalitan kamakailan na si Susan Ramsey.

"I have no idea. I haven't seen her but I forgave her and I pray for her every time because I know that she also has issues na siguro hindi pa din na re-resolve between her and our mom. Ako kasi I'm 100 percent okay so I just pray for her."

Kuwento ni Jaya hindi pa din sila nagkakausap at nagkikita muli pero umaasa ang singer na magkakausap sila muli sa tamang panahon.

"Not yet, but maybe in God’s time I will see her and I will talk to her because she is my sister. Magkadugo kami at walang masamang tinapay dapat kapag mag kapatid," pagtatapos na pahayag ni Jaya.