• Home
  • Fresh Scoops
  • Cathy Remperas says she can now use her past relationship for more ‘hugot’ in her acting.

EXCLUSIVE: Cathy Remperas on her past relationship: ‘Wasak na ako!’

Cathy Remperas says she can now use her past relationship for more ‘hugot’ in her acting.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/07/2017 08:23 AM
EXCLUSIVE: Cathy Remperas on her past relationship: ‘Wasak na ako!’

050717-CathyRem.jpgIsa sa dahilan kung bakit nawala noon sa showbiz ang former Pinoy Big Brother housemate na si Cathy Remperas ay dahil sa love life. Four years siyang nag-focus sa love life hanggang na-realize niya na gusto na ulit niyang balikan ang showbiz.

“Sa four years na nawala ako, actually wala talagang showbiz jobs don. I decided to stop, very personal yung reason. Nagkaroon ako ng relationship, and then I decided to stop sa showbiz,” kuwento ni Cathy.

Patuloy pa ni Cathy, “I started a small online business, ganu’n. Tapos parang after mga ilang years, nakita ko ulit si Direk Maryo (J. delos Reyes).


“Ako talaga yung lumapit sa kanya at sinabi kong gusto kong mag-artista ulit. Siya po yung nagbigay sa akin ng second chance.”

Bukod sa pakikipagrelasyon, magulo rin daw ang isip niya noon kaya hindi nakapag-focus sa showbiz career.

“At that time, hindi ko pa rin talaga malaman if that was (pag-arte) something talaga na gusto kong gawin. Kahit nag-aartista ako that time, parang lagi kong tinatanong yung sarili ko kung ito ba talaga yung gusto ko. Kaya rin siguro hindi naipagpatuloy at that time.

“So nung nabigyan na ako ng pangalawang pagkakataon, do’n ko din nakita na I become mature, more responsible at do’n ko na-realize na acting is really for me.”

Ipinangako din ni Cathy sa sarili niya na hindi na muna siya magbo-boyfriend ulit.

“Tama na muna itong mga relationship na ito at sarili ko naman muna yung isipin ko,” diin niya.

Ano ba ang natutunan niya sa past relationship?

“Ang natutunan ko siguro is at that time, after the relationship ended, sa mga relationships talagang merong ups and downs and naisip ko na hindi talaga puwedeng ibigay mo lahat. Kasi pag ibinigay mo yung lahat ng pagmamahal mo, ang sarili mo, pati kaluluwa mo, sa time na matatapos yan o sasabihin niya na ayaw mo na, paano na ako?

“Kumbaga, wasak na ako. So parang, siguro sa next relationship, kailangan talagang timbangin. Mahalin mo yung isang tao pero dapat mahal mo rin yung sarili mo para at least, smooth at kaya mong dalhin yung relasyon,” pahayag ng dating ka-love team ni Johan Santos.

If ever man daw na hindi mag-succeed ang pagbabalik-showbiz niya, willing siyang i-practice ang natapos niya bilang isang nurse.

“I still keep my license for future purposes. But fallback na lang siguro pag wala talagang mangyaring maganda sa career.”

Samantala, bukod sa mga natutunan sa pakikipagrelasyon, may naitutulong din daw sa pag-arte niya ngayon ang kanyang mga pinagdaanan.

“Mas marami ng hugot. Siguro, ang thankful ko lang do’n sa mga past experiences ko, is yung magagamit ko siya sa craft. Ngayon sobrang dali na sa akin na umiyak, kahit paiyakin mo ako ngayon. So, I think that’s something na makakatulong sa career,” pagtatapos ni Cathy.