• Home
  • Fresh Scoops
  • Ricky Davao, Ana Capri also won Best Supporting Actor and Best Supporting Actress respectively.

Ai-Ai delas Alas wins 2nd international acting trophy at 3rd ASEAN International Film Festival and

Ricky Davao, Ana Capri also won Best Supporting Actor and Best Supporting Actress respectively.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/07/2017 03:31 PM
Ai-Ai delas Alas wins 2nd international acting trophy at 3rd  ASEAN International Film Festival and

050717-AiAi_PUSHMAIN.jpgWagi ang delegasyon ng Team Philippines sa katatapos lang na 3rd ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) na ginanap sa Kuching, Sarawak, Malaysia kahapon (May 6).

Winner ang Our "Mighty Yaya" lead star na si Ai-Ai delas Alas ng Best Actress para sa pelikulang "Area" ng BG Productions International. Wagi rin bilang Best Director si Louie Ignacio na director ng pelikula.

Tinanghal namang Best Supporting Actor  si Ricky Davao ng pelikulang "Dayang Asu." Si Ana Capri naman ang nanalong Best Supporting Actress para sa pelikulang "Laut" na prinodyus din ng BG Productions.


Hindi nakapunta si Ai-Ai ng Malaysia para tanggapin ang kanyang trophy dahil busy siya sa promo ng "Mighty Yaya" na showing on May 10.

Tinalo ng Comedy Queen sa best actress race sina sina Pham Thi Honh Anh ng Vietnam ("The Way Station"),  Subenja Pongkorn ng Laos ("Bangkok Nites"), Ponco Sutiyem ng Indonesia ("Ziarah") at Cut Mini Theo ng Indonesia ("Emma").

Second international Best Actress award na ito ni Ai-Ai para sa pelikulang "Area" na tungkol sa isang ageing prostitute sa Pampanga.  Huli siyang nanalo bilang Best Female Actor sa nakaraang Queens Movie Film Festival.

Si Ana naman, ayon sa post ni Dennis Evangelisa na line producer ng "Laut" ay sumailalim kamakailan lang sa isang major operation kaya hindi ito nakasama sa entourage ng Team Philippines sa Malaysia.

Samantala, nanalo rin sa AIFFA si Lawrence Fajardo ng Best Film Editing para sa pelikulang "Imbisibol" na pinagbidahan ni Allen Dizon.

Binigyan naman ng Special Honor

Award si Lav Diaz para sa kanyang pelikulang "Ang Babaeng Humayo" na pinagbidahan ni Charo Santos.

Bukod kina Direk Louie, BG producer Baby Go, kasama rin sa delegado ng Philippne Team sa Malaysia sina Cherie Gil, Jaclyn Jose at Nora Aunor.