• Home
  • Fresh Scoops
  • Sandara Park comments on issue linking her with Robi Domingo

Sandara Park comments on issue linking her with Robi Domingo

The Korean star is in the country to promote her movie "One Step."

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/6/2017 7:43 PM
Sandara Park comments on issue linking her with Robi Domingo


Balik bansa ngayon ang Korean Popstar na si Sandara Park para personal na imbitahin ang kanyang mga Pinoy fans na manood ng kanyang unang pelikula sa Korea na "One Step."

to ang unang pagkakataon na sumubok si Dara na gumawa ng pelikula sa Korea after ng kanyang singing stint kasama ng grupong 2NE1.

Sa naganap na media conference ng kanyang movie, na mapapanuod sa bansa simula May 10, nagbigay update si Dara sa kanyang career at pinagkakaabalahan ngayon.

Kinuwento niya na naging malaking tulong sa kanya ang kanyang naging experience noon sa pagarte sa pelikula dito sa Pilipinas na kanyang nadala sa Korea ngayon.

"Malaking tulong kahit 10 years ago pa yun akala ako makakalimutan ko na yung mga technique na ginawa ko dati dito yun pala naka set na sa isip ko lahat," ani Sandara.

Bukod dito naibahagi din ni Sandara ang update sa kanyang dating girl group.

"For now, solo solo muna kami. Feeling ko after few years magkasama-sama kami ulit. Feeling ko mas magaling na kami noon. Sa ngayon, I wanna try muna with the songs na bagay sa kin," sabi pa ni Dara.

Samantala binigyang linaw din ang Korean Popstar ang isyung nag-uugnay sa kanila ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo. Ayon sa mga kumakalat na balita online ay nagkakamabutihan na sila nito.

"Hindi po totoo yun kasi we're just good friends lang po with Robi and that's it. Parang hindi lang po maganda na marinig yung ganung issue kasi baka masira po ang friendship namin," pahayag nito.

Sa ngayon asahan na makikita si Sandara sa Ilang Kapamilya shows tulad ng "ASAP" at "It's Showtime" bago bumalik sa Korea para sa isa pang movie project na may title na "She's In The Track."