• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador says being ‘maarte’ has helped her career.

Janella Salvador gets her dream role of becoming a mermaid in ‘My Fairy Tail Love Story’

Janella Salvador says being ‘maarte’ has helped her career.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/06/2017 09:18 AM
Janella Salvador gets her dream role of becoming a mermaid in ‘My Fairy Tail Love Story’

050617-JanellaSalvador_PUSH.jpgSa bagong pelikulang ginagawa ni Janella Salvador na My Fairy Tail Love Story ng Regal Entertainment (intended for the 2017 MMFF) ay naikuwento ng dalaga kung anong klaseng role ang kanyang gagampanan.

Ayon sa dalaga, “Expert ko yung maging maarte at dito I’m a mermaid. Mermaid movie siya na kakaiba kasi maarte yung role ko dito. Maarteng mermaid.”

Bata pa lang noon si Janella ay mahilig na daw siyang magsuot ng sirena outfit.


“Oo. Actually, dream role ko siya tapos nakuha ko siya. Super happy ako.

“Yung fifth birthday ko, mermaid yung theme kaya super na-excite ako nung sinabi sa akin na mermaid ako sa movie,” sabi pa niya.

Aminado ang dalaga na kinailangan pa niyang mag-training para sa role ng isang sirena.

“Nag-swimming lesson ko. Nag-ping saka mermaid lesson talaga. Takot nga ako sa ping, eh.

“Tapos yung mermaid lesson kailangan talagang aralin kasi iba yung movement ng mermaid, di ba?

“Mabigat yung tail pero mas madaling lumangoy pag may tail na. Madaling gumalaw,” kuwento niya.

Hindi ba siya takot ma-compare sa mga dating naging sirena sa local films?

“Actually, hindi naman. Like I said, super kaaiba siya. Parang wala pa naman akong nakitang maldita at maarteng mermaid na nababahuan sa sarili niyang buntot,” natatawa niyang pahayag.

Nilinaw din ni Janella na hindi buhok ang tatakip sa dibdib niya bilang sirena katulad ng ginagawa ng ibang aktres.

“Since hindi naman ako puwedeng mag-topless, meron naman akong… may something dito (dibdib) na nakatakip. Para siyang part of the tail, ganu’n. I’m a wholesome mermaid,” lahad niya.

Samantala, aminado si Janella na malaki ang naitulong ng kaartehan niya para magkaroon ng career sa showbiz at mapansin.

“Actually, yung Be Careful With My Heart, yon naman talaga yung nag-start ng lahat—yung kaartehan ko don. So pag bina-bash ako at sinasabing puro kaartehan lang yon or maarte ako, wala talaga akong nararamdaman don kasi proud ako na maarte ako.

“There’s nothing wrong naman with being maarte. Yung sa akin naman kasi sa pananalita lang. I’m trying din naman minsan na mag-straight Tagalog, nagkakamali lang talaga ako,” pagtatapos ni Janella.