• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaya being raised by a single mom: ‘She really had the balls to take care of us’

Jaya being raised by a single mom: ‘She really had the balls to take care of us’

Jaya talks about being raised by a solo parent.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/5/2017 8:02 AM
Jaya being raised by a single mom: ‘She really had the balls to take care of us’


050417-Jaya_PUSH.jpgMainit na pinag-uusapan ngayon ang naging malisyosong pahayag ni Senador Tito Sotto sa kanilang pagpupulong ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo kaugnay sa pagiging single mother nito.

Tila ilan sa mga showbiz personality ang hindi natuwa sa naging pahayag ng senador patungkol sa mga solo parents, kabilang na dito ang ang soul singer na si Jaya.

Sa panayam na ito sa singer sa media conference ng kanyang concert na No Boundaries, inihayag ni Jaya ang kanyang saloobin tungkol sa issue.

"Hindi madali ang maging single mom the way my mom did it. Sorry for the word but she really had the balls to take care of us," malaman na pahayag ni Jaya.

Kuwento ng singer dahil sa pag susumikap ng kanyang namayapang ina, naitaguyod sila nito.

"Hindi naman kami mayaman, pero sa abot ng makakaya niya [Elizabeth Ramsey] sa talent niya, sa pagkanta niya, naitawid niya kaming lahat at iba pang tao so I salute all single moms out there."

Pahayag pa ni Jaya, malaki din ang pagkakaiba ng mga bata na produkto ng mga single parents.

"Iba din kapag napalaki ka ng single moms. Matigas ka, matatag ka, at hindi ka takot. Palaban in a good way and I'm very proud na I'm a product of a single mom," sabi pa ni Jaya.

Para naman sa Soul Singer, may tamang lugar at panahon ng pagbabato ng mga joke at hindi sa paglilitis gaya ng ginawa ng senador.

"Sobrang daming hirap na dinadanas ng bansa natin, napakaraming issues and I think a joke like that is not necessary. It's not the right avenue for that. Hindi siya stage. So sana we should pray before we say our words para tama ang ating mga sinasabi at hindi tayo nakakasakit ng damdamin ng ibang tao," pahayag pa ni Jaya.