• Home
  • Fresh Scoops
  • Star Music artist Orlando Sol gets emotional during his solo album launch

Star Music artist Orlando Sol gets emotional during his solo album launch

Star Music artist Orlando Sol says it took eight years before he had a solo album.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/4/2017 9:19 AM
Star Music artist Orlando Sol gets emotional during his solo album launch


050417-OrlandoSol_PUSH.jpgHindi napigilang mapaiyak ni Orlando Sol, miyembro ng Masculados, sa Star Music launch ng kanyang solo album titled Emosyon habang kinakanta ang “Kailan Darating Ang Ayoko Na” na bahagi ng kanyang album.

“Talagang nadala lang po ako sa kanta. Actually pag kinakanta ko ’tong kantang ’to, ’yung lyrics tumatagos sa akin. Masakit kasi ’yung lyrics ng kanta. Napakagaling ng composer ko na si Jerwin Nicomedez,” kuwento ng singer-actor.

Ayon pa kay Orlando, matagal na rin niyang hinintay ang pagkakataon na magkaroon ng solo album at hindi raw siya makapaniwala na darating ito.

Aniya, “Nagtiyaga po ako, siyempre sa tulong na rin ni Direk Maryo (J. delos Reyes). Sabi niya po kasi, i-polish ko lang ’yung craft ko, mag-focus lang ako sa ginagawa ko kasi darating din daw ’yung time para sa akin. Na gugulong din ’yung kapalaran para sa akin.”

Dagdag pa ng singer-actor, “Kaya sobrang saya po ako ngayon na… hindi po ako makapaniwala na ’eto na siya. Imagine po, eight years ko itong hinintay. Hindi ako makapaniwala na meron na akong album at dito pa sa Star Music.”

Bukod sa kanyang Emosyon album na naglalaman ng ibang hugot songs like “Ingatan Mo ang Salitang Mahal Kita,” “Lilipad Ako ’Nay,” “Kaibigan,” at “I’ll Always Be There”, gumawa din ang Star Music ng kauna-unahang online drama series para sa kanta ni Orlando na Kailan Darating Ang Ayoko Na. Si Direk Maryo ang mismong nagdirek nito.

“Sabi ko nga, sana mag-set ng trend. Kasi napakagaling ng idea nu’ng creative team ng Star Music kaya nagpapasalamat ako sa kanila na ako ’yung binigyan ng pagkakataon na maging unang artist na maglalabas ng ganitong video serye,” reaksyon pa niya.

Hopeful din si Orlando na ngayong tinatahak na rin niya ang music industry ay mabibigyan pa siya ng maraming oportunidad sa showbiz.

“Lahat naman po siguro tayo, may kanya-kanyang time, baka siguro ito na ’yung time ko, ito na ’yung pinto na magbubukas sa akin para dito sa industriyang ito.”

Samantala, may reaksyon naman si Direk Maryo kung bakit sa dinami-dami ng miyembro ng Masculados ay si Orlando ang binigyan niya ng break para maging solo artist.

“Kasi siya ’yung nakikita ko na may malaking potensyal bilang singer-actor. Tapos the rest are performers, hindi ko naman tinuturingan ang kanilang talent, may kanya-kanya silang talent,” pahayag niya.

Sa mga hindi nakapanood ng first airing ng video serye ng Kailan Darating Ang Ayoko Na, you can still catch it on May 5, May 12, May 19 and May 26 sa Star Music YouTube Channel at 6 p.m.