Nora Aunor and Jaclyn Jose to attend AIFFA 2017 in Malaysia

Lav Diaz’ Ang Babaing Humayo will be the opening film at AIFFA this year.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/4/2017 11:11 AM
Nora Aunor and Jaclyn Jose to attend AIFFA 2017 in Malaysia


050417-NoraJaclyn_PUSH.jpgImbitado ang Superstar na si Nora Aunor at Cannes 2016 Best Actress Jaclyn Jose sa ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) 2017, na gaganapin sa Kuching, Malaysia ngayong May 4-6, at ayon sa kanilang mga kampo, kumpirmadong dadalo ang dalawang multi-awarded actresses.

Si Nora ay bilang special presenter ng AIFFA Lifetime Achievement Award recipient sa awards night (hindi pa ipinapaalam ng Malaysian organizers sa press kung sino), samantalang guest speaker naman si Jaclyn sa hiwalay na program.

Noong 2015, si Ate Guy ang pinarangalan ng nasabing prestihiyosong karangalan para sa kanyang iconic status sa Philippine movie industry (now on her 50th golden anniversary). That year, ang Chinese superstar na si Jackie Chan ay tumanggap naman ng Asian Inspiration Award mula sa AIFFA.

Na-cut short nga ang Singapore trip ni Nora para sa kanyang voice therapy doon (ire-reset daw), para dumalo nga sa Malaysia, at nakatakda siyang lumipad via business class nung May 2 para magche-check in sa Pullman Hotel.

Dalawang designer gowns ang pinagpipilian ni Ate Guy na kanyang isusuot sa Gala Night sa May 6.

Looking forward naman si Jaclyn sa nasabing speaking engagement (sa May 5) upang makapagbigay inspirasyon siya sa kanyang kapwa ASEAN actors.

Last year (2016), lumikha ng history si Jaclyn nang magwagi ito bilang unang Southeast Asian actress na masungkit ang pinakamimithing Best Actress award sa Cannes International Film Festival para sa kanyang performance sa "Ma'Rosa."

Samantala, ang 9 na Pinoy indie films na pambato ng Pilipinas sa 3rd edition na ito ng AIFFA ay:

“Imbisibol” ni Lawrence Fajardo, “Purgatoryo” ni Derick Cabrido, “Dagsin” (Gravity) ni Atom Magadia, “Paglipay” ni Zig Dulay, “Pauwi Na” ni Paolo Villaluna, “Laut” at “Area” ni Louie Ignacio, “Dayang Asu” ni Bor Ocampo at “Ned’s Project” ni Lem Lorca.

Ang mga ito ay ire-represent ng mga filmmaker at cast members ng bawat pelikula.

Ang AIFFA ay isang film competition by ASEAN countries tulad ng Philippines , Malaysia , Singapore , Indonesia , Cambodia , Laos , Thailand , Myanmar , etc. Ang Malaysian na si Livan Tajang ang Festival Director.

Opening film ang “Ang Babaeng Humayo” ni Lav Diaz. Hosts ng awards night sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez, at awards presenters naman sina Cherie Gil (AIFFA 2015 Best Actress for “Sonata”) at Marlo Mortel. Aawit rin sa event si Jason Dy.

Ang FDCP Chair na si Liza Diño-Seguerra ay imbitado rin upang maging guest speaker sa bukod na programa ng festival. Ang event ay mapapanood nang live sa tatlong araw (May 4-6) sa www.aiffa2017.com