• Home
  • Fresh Scoops
  • While she didn’t make it, Morisette Amon is proud of the Pinoys of ‘Miss Saigon’.

Morissette Amon shares her Miss Saigon audition experience

While she didn’t make it, Morisette Amon is proud of the Pinoys of ‘Miss Saigon’.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/04/2017 10:50 AM
Morissette Amon shares her Miss Saigon audition experience

050417-MorisetteAmon_PUSH.jpgSasabak muli sa isang concert ang biritera na si Morissette Amon kung saan makakasama niya ang Broadway singer na si Tanya Manalang at singer-songwriter na si Ogie Alcasid para sa The Platinum concert sa Newport Performing Arts Theater ngayong May 6.

Dahil dito excited si Morissette sa kanilang unang pagsasama sa entablado ni Tanya, isa sa mga Pinay na gumanap bilang "Kim" sa musical na Miss Saigon.

"Nakaka-pressure na nakaka -xcite kasi sanay siya sa mga big stages gaya ng venue namin and first time po namin na magsama together. Pero iba din po kasi ang mga genres namin so I think yun yung aasahan ng mga tao."


Kuwento pa ni Morissette na bilang isang singer, sinubukan din niya noon na pasukin ang mundo Broadway dahil sa kanyang idolo na si Lea Salonga. Kaya’t nag-audition din siya sa Miss Saigon.

"Pinag-aralan ko po yung mga songs ng Miss Saigon and na meet ko po lahat ng bumuo ng play, kasama ko po noon actually si Gerald Santos na nakakatuwa kasi siya na si Thuy ngayon," sabi pa ni Morissette.

Hindi man pinalad na makapasok sa mundo ng teatro, masaya naman ang singer para sa mga kapwa Pinoy na gumagawa ng pangalan sa Broadway.

"Super proud po ako para kay kuya Gerald Santos, Rachelle Ann (Go) at iba pa bilang kapwa Pinoy natin of course I've seen them perform at excited din ako na mapanuod sila sa mga characters nila," pagtatapos ni Morissette.