• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado says her endorsements are not affected by her ‘frontal nudity’ in ‘Bliss’

Iza Calzado says her endorsements are not affected by her ‘frontal nudity’ in ‘Bliss’

Iza Calzado explains she’s just doing her job as an actress.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/4/2017 11:04 AM
Iza Calzado says her endorsements are not affected by her ‘frontal nudity’ in ‘Bliss’


Nilinaw ni Iza Calzado sa press preview ng pelikula niyang Bliss na hindi naapektuhan ang kanyang mga endorsements ng breast exposure at frontal nudity scene sa pelikulang idinirek ni Jerrold Tarog.

Depensa niya, “Tricks yon, sa DVD na lang namin ii-explain kung anong ginawa namin don. I’m sure mauunawaan naman nila yon.”

Patuloy pa ni Iza, “Saka hindi naman siya real life, parang kung isa siyang video from… you know what I mean, it’s a role. I’m an actress, that’s part of my job, it’s work.

“So I think mas concerned ang endorsement on what you do in your own time, yung personal life mo kesa sa ginagawa mo on screen. Pero sinabi naman namin beforehand sa kanila yon.”

May balak pa ba ulit siyang tumanggap ng daring roles in her future movie projects?

“Depende sa role, depende sa materyal. Pero it’s not my priority. I’d rather not keep doing it to be honest because I’ve already done one,” katwiran niya.

Kapansin-pansin ang tema ng molestation ng parehong babae sa Bliss kaya natanong namin siya kung meron na bang babae o lesbian na nagkagusto sa kanya.

“Wala, eh,” sagot agad niya. “Kasi I was always in a relationship (with guys), eh. And I guess I never had an opportunity.”

Wala rin bang nanligaw na lesbian sa kanya?

“Hindi ko alam. Kasi minsan manhid din ako, eh.”

Eh, what if may manligaw na T-bird? Ano ang pipiliin niya, yung lesbian ba na lalaking pumorma o lesbian na nagli-lipstick na parang babae din?

“Papatulan ko yang question na yan,” sabay tawa niya nang malakas.

Hirit pa niya, “Kasi… honestly, sabihin natin na interested ako, because obviously I’m not kasi I’m in a relationship with a guy, but you know what, you’re a human being and you’ll never know di ba, kasi you’ll fall in love with the human being.

“So, even with lesbians, I don’t… I can’t say which one I will fall in love with because at the end of the day, you fall in love with the person not the sexuality,” paliwanag niya.

Palabas na sa May 10 ang Bliss. Kasama ni Iza sa pelikula sina TJ Trinidad at Ian Veneracion.