• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado, Bea Alonzo reveal what they have learned from ‘A Love To Last’

Iza Calzado, Bea Alonzo reveal what they have learned from ‘A Love To Last’

Iza Calzado, Bea Alonzo say that they can now relate to people in the same situation as their characters.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/5/2017 7:55 AM
Iza Calzado, Bea Alonzo reveal what they have learned from ‘A Love To Last’


050417-IzaBea1_PUSH.jpgPainit na ng painit ang mga eksena nila Andeng at Grace na tinututukan gabi-gabi sa teleseryeng A Love To Last.

Pero sa totoong buhay, magkaibigan sina Iza Calzado at Bea Alonzo na madalas magbiruan in between takes ng mga eksena.

Naging punchline pa ng dalawa ang gwapong si Anton Noble na role ni Ian Veneracion.

Ani ni Iza, “Dapat labas ako doon! Si Anton dapat ang dapat awayin natin.”

Pagbibiro naman ni Bea, “Ang gwapo masyado ni Anton eh! Kapag dalawang babae ang nag-aaway, lalaki ang may kasalanan!” (Laughs)

Maraming natutunan sina Bea at Iza sa kanilang mga papel sa serye. Si Bea, naintindihan ang hirap ng isang incoming madrasta na hirap tanggapin ng pamilya ng kanyang ka relasyon.

“Mas naintindihan ko sila ngayon habang ginagawa namin ito. Mahirap pala talaga ang pinagdadaanan nila kasi siyempre stranger ka doon sa pamilya nila eh.”

Si Iza naman, Ang sakripisyo ng pagiging isang nanay na ipagtatanggol ang mga anak.

“Para sa akin intindi ko rin yung mother who’s fighting for the right of her children. Mahirap din pala!” sabi pa ng aktres

Titindi pa ang mga eksena na dapat abangan sa A Love To Last kayat dapat itong tutukan gabi sa primetime bida ng ABS-CBN.