• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Dan Villegas also talks about reading critiques of his work.

Director Dan Villegas says he's okay with Ikaw Lang Ang Iibigin’s time slot

Director Dan Villegas also talks about reading critiques of his work.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/05/2017 07:46 AM
Director Dan Villegas says he's okay with Ikaw Lang Ang Iibigin’s time slot

050517-DanVillegas_PUSH.jpgExcited na ang direktor na si Dan Villegas para sa kanyang latest movie under Viva films na Luck At First Sight kung saan bida sina Jericho Rosales at Bela Padilla.

Kuwento ng direktor sa premiere night ng kanyang pelikula, ibang kaba ang kanyang nararamdaman tuwing may bago siyang proyektong ginagawa.

"Super kinakabahan, actually parang kabado ka hanggang sa first weekend e. Nag-aantay ka sa mga resulta ng feedback ng audience mga reviews, iba yung feeling."


Bukod sa Luck At First Sight, tila napawi naman na ang kaba ng direktor sa kanyang proyekto na teleserye na Ikaw Lang Ang Iibigin kung saan kasama niya bilang direktor si Onat Diaz.

"Overwhelming e kasi first time ko mag direk ng teleserye na ako yung nagsimula. Parang when you check your social media tuwang-tuwa ang mga tao. Ang Sarap sa feeling," ani pa ni direk.

Deadma naman si Direk Dan sa naging timeslot ng kanyang teleserye na salungat sa inasahan ng iba na sa primetime ito sa gabi.

"Okay lang, kasi parang ang mas importante at the end of the day ang ikukuwento mo yung story mo e. Andito ako to tell the story regardless sa time slot I will continue pa din to tell the story," paliwanag pa ng direktor.

Bukod dito, aminado siya na bilang director nakahiligan na niya ang magbasa ng mga reviews sa kanyang mga proyekto.

"Binabasa ko. Pero ganun po talaga e, may mga bad reviews na actually tama. Parang they have a point. Okay din naman na open ka for criticism. Mahirap naman yung masyado tayong sarado," pagtatapos na kuwento ng director.