Bianca King says she learned to be ‘minimalist’ after losing an acting job

Bianca King kept herself busy during her acting hiatus.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/05/2017 07:49 AM
Bianca King says she learned to be ‘minimalist’ after losing an acting job

050517-BiancaKing_PUSH.jpgBuhay na naman ang career ni Bianca King na kasama sa casualties ng TV5 nang mawala ang “entertainment division” ng network.

Ngayon ay nasa ABS-CBN na siya at isa sa mga bida sa Pusong Ligaw ng Star Creatives kasama sina Beauty Gonzalez, Sofia Andres, Diego Loyzaga, at marami pang iba.

“Dumating na ako sa point na I have to do something with my life. Nu’ng nasa TV5 ako ng dalawang taon, mahal na mahal ko ang mga show ko do’n, ‘yung show ko do’n, casualty siya ng nangyari sa TV5,” kuwento niya.


Kung anu-ano raw muna ang ginawa niya habang walang raket.

“Kinuha ko ‘yung time na ‘yun para mag-travel. Kasi, unang-una, hindi ko nagagawa dati kasi nag-aaral ako and ang dami kong priorities before na hindi ko na-enjoy ang youth ko.

“Yung isang taon na ‘yun, nag-travel ako out of the country, halos every month, because of my travel blog. So a lot of the destinations that I traveled were all sponsored trips, pati ‘yung pagpunta ko ng Europe, Bali, Korea were all free because of my blog.

“So, ’yun, nagsulat ako for my blog and publications as well and nagho-host pa rin ako ng events and a lot of social media,” lahad niya.

Ano ba ang naging realization niya nang mawalan siya ng mga projects?

“Parang naisip ko na… that was a good round of my career. Now it’s time to grow, to spread my wings, to simplify my life actually. Kasi nga nawala ‘yung regular income na malaki, so naging minimalist ako.”

Ibig sabihin, ‘tipidelya’ (nagtipid) muna ang beauty niya?

“Ganu’n siguro ‘yung masang term, pero sosyal na term is minimalist,” tawa niya.

“Actually, ni-renovate ko rin ‘yung bahay ko that time, so binenta ko ‘yung kalahati ng gamit ko, kasi ayoko ng maraming gamit. ‘Tapos nagtanggal ako ng PA (personal assistant) and all that. I live like normal person talaga, parang hindi na ako artista,” pagtatapat ni Bianca.

Natakot ba siya na mawala sa showbiz?

“’Yung mga fear ko, ‘yung umpisa lang. Pero ngayon po wala na. ‘Yung fears ko, unang-una, tatanggapin ba ako ng mga taong ito bilang kaibigan. Kasi parang mahihirapan ka, ‘tapos ‘yung pangalawa siguro ay kung marunong pa akong umarte? Eh, matagal na ‘yung huli kong soap.

“And about expectations, ako, no expectatons talaga kasi pumasok ako dito sa show (Pusong Ligaw) na ito with an open mind, no judgments and I think bilang tao, mahalagang mag-take ng risk,” pagtatapos ni Bianca.