• Home
  • Fresh Scoops
  • Here’s a list of villains who went up the iconic Pinay superhero Darna.

#THROWBACK: Who are Darna’s greatest enemies?

Here’s a list of villains who went up the iconic Pinay superhero Darna.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/31/2017 12:18 PM
#THROWBACK: Who are Darna’s greatest enemies?

Ngayong alam na ng lahat na si Liza Soberano ang gaganap sa iconic role bilang Pinay superhero na si Darna, susunod na tanong ay kung sino naman ang mga gaganap na makakalaban niya sa pelikulang gagawin ng Star Cinema. Sa halos 70 years ng Darna na nagsinula sa komiks, pelikula at telebisyon, marami rami na rin ang mga nakipagtunggali at nakipagpatalbugan ng powers kay Darna.

Gumawa ang PUSH ng listahan ng mga nakalaban ni Darna mula noon hanggang ngayon.

Kobra (Lord of Serpents)
Babaeng Linta (Lutgarda the Leech Woman)
Babaeng Tuod (Lucifera the Wood Witch; Lucifera the Tree Monster)
The Planet Women
Babaeng Lawin (Armida- the Robotic Hawk Woman)
Giants
Babaeng Gagamba (Secretary Rizza Miranda at the Hospicio residence)
Ms. Luna (Manananggal)
Nosforamus (Grim Reaper & right-hand man of Braguda)
Dr. Zombie (Mad Scientist/Re-Animator of corpses)
Black Mercury/Black Darna
Sulfura (Human Voilcano)
Molecula (Toxic Woman)
Mambabarang (Lord of Insects and Pests)


Pero ang pinaka-markado at prominente na kalaban ni Darna ay si Valentina, ang diyosa ng mga ahas na sinasabing mortal na kaaway ni Darna. Ayon sa original comic book na Darna, normal na tao ang mga magulang ni Valentina ngunit ipinanganak siya na ahas ang buhok. Kinuha ni Kobra, isang malaking ahas, ang mga magulang ni Valentina at pinaslang ang mga ito na siyang rason ng pagganti ni Valentina. Pinatay niya si Kobra kaya siya na ang naging diyosa ng mga ahas. Laging may kadikit na ahas si Valentina na si Vibora na loyal sa kanya.

Narito ang listahan ng mga aktres na gumanap bioang Valentina.

Cristina Aragon 1951 in Darna
Celia Rodriguez 1973 in Lipad, Darna, Lipad!
Melissa Perez Rubio 1990 in Valentina
Pilar Pilapil 1991 in Darna
Pilita Corales 1994 in Darna Ang Pagbabalik
Cherie Gil 1994 in Darna Ang Pagbabalik as Valentine, anak ni Valentina

May mga naging Valentina rin sa telebisyon. At ito ay sina :

Alessandra de Rossi at Nadine Samonte (Darna 2005 TV series)
Jodi Sta. Maria (2006 Komiks Presents Valentina)
Iwa Moto (2009 Darna TV Series)
Melissa Ricks (2010 Wansapanataym Presents Valentina)

Ngayon, matunog sa social media ang mga pangalan nina Sarah Lahbati, Venus Raj, Iza Calzado, at Eula Valdez para muling buhayin ang papel ni Valentina.