• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman is very grateful for all the blessings that ‘Ang Probinsyano’ has given her.

Is Yassi Pressman Coco Martin’s favorite leading lady?

Yassi Pressman is very grateful for all the blessings that ‘Ang Probinsyano’ has given her.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/31/2017 12:29 PM
Is Yassi Pressman Coco Martin’s favorite leading lady?

Tuloy tuloy pa din ang maaksyong eksena na napapanood gabi-gabi sa top-rating teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano.

Dito nagbigay patikim ang leading lady ni Coco Martin na si Yassi Pressman kung ano pa ang mga dapat abangan ng manonood.

“Naku marami pa pong mga heavy scenes na gagawin at marami pang pagsubok na darating sabi nga nila 'kung anong saya ngayon, ano naman kaya ang kapalit' marami pang dapat abangan sa storya."


Walang katapusang thank you naman ang nais ibalik ni Yassi para sa masigla nyang karera sa pelikula at telebisyon.

"Sobra sobra! Kaya sobrang thankful ako sa Dreamscape more than anything kila Sir Deo (Endrinal) siyempre sa Viva Family na from the start inalagaan ako sa buong Ang Probinsyano family and everyone. Thankful din ako na sila din nag-guide sa akin (Probinsyano) hindi lang ako basta nilapag doon at hinayaan kundi nilagay inalagaan at sinasamahan."

Pabiro naman ang naging sagot ni Yassi na siya daw ang paboritong leading lady ngayon ni Coco na todo ang asikaso sa kanya sa kanilang taping.

"Hindi naman! Lahat lahat ganun siya sa lahat." (Laughs)

At kahit maganda ang takbo ng kanyang career paglilinaw ni Yassi na nananatili siyang grounded at ‘di nakakalimot.

"I have my family and my friends na mga kaibigan ko simula bata ako/ Ayaw ko din naman lumayo sa dating ako pero we can improve everyday pero wag natin iwanan natin yung dating tayo."

Bukod sa movie at TV projects, inaabangan din ng mga fans ang susunod na hataw dance moves ni Yassi sa kanyang future guestings sa ASAP.