Yassi Pressman and Sam Milby set to do their first movie together

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/30/2017 10:05 AM
Yassi Pressman and Sam Milby set to do their first movie together

053017-SamYassi_PUSH.jpg

After ng hit movie na Camp Sawi ng Viva Films, muling magsasama sa isang pelikula sina Yassi Pressman at Sam Milby sa isang romantic comedy film directed by Ivan Andrew Payawal.

Sa panayam na ito sa dalaga, ikinuwento ni Yassi ang kanyang paghahanda para sa proyektong kanyang pagbibidahan na may working title na Ang Pambansang Third Wheel.


"Mayroon na kaming set na bonding time ng mga cast after ng first day of taping namin. Plano namin na mag magkaroon ng quality time lahat ng cast kasi importante para sa amin na maging maganda po yung working environment at maging mas comfortable kami sa isat isa."

Nagkaroon man noon ng panandalian bonding sa pelikulang Camp Sawi, kuwento ni Yassi na parang first time nila ulit magkakasama ni Sam.

"We were friends naman na ni Sam kasi while doing Camp Sawi, nakulong kaming lahat ng cast sa island for a week, so medyo nagkasama din kami. Pero parang nagkakasalisi lang kami at isa lang ang naging eksena namin noon," sabi pa ni Yassi.

Abala man sa araw araw na taping ng FPJ's Ang Probinsyano si Yassi, aminado siyang hindi niya mahindian ang proyektong ito.

"Maganda po talaga yung material, umpisa palang po alam ko na na magugustuhan po talaga ito ng marami," ani pa ng dalaga.

Sa usapin naman tungkol sa kanyang TV series, ani ni Yassi marami pang dapat abangan sa Ang Probinsyano.

"Marami pa pong mga heavy scenes na gagawin at marami pang pagsubok na darating, sabi nga nila 'kung anong saya ngayon, ano naman kaya ang darating kapalit,' kaya marami pang dapat abangan sa storya," pagtatapos na kuwento ni Yassi