• Home
  • Fresh Scoops
  • Wynwyn Marquez is also thinking about joining Binibining Pilipinas one more time.

Wynwyn Marquez is still not sure about joining Miss World Philippines

Wynwyn Marquez is also thinking about joining Binibining Pilipinas one more time.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/30/2017 09:53 AM
Wynwyn Marquez is still not sure about joining Miss World Philippines

053017-WynWynMarquez_PUSH.jpg

Undecided pa rin hanggang ngayon si Wynwyn Marquez kung sasali siya sa Miss World Philippines pageant ngayong taon.

“Hindi ko sure, hindi pa sure. As much as I want to, baka mag-overlap 'yung schedule ko. Siyempre, may obligation ako (Mulawin vs. Ravena), unahin ko kung ano 'yung una kong napirmahan.


“Ang alam ko kasi, sa July yung screening sa Miss World, and then October yung pageant. Eh, nagtetaping ako non. Madugo,” pahayag ng dating kandidata ng Binibining Pilipinas.

Eh, sa Binibini, ayaw ba ulit niyang sumali next year?

“Let's see po.”

Payag naman daw ang boyfriend niyang si Mark Herras na sumali ulit siya ng beauty pageant.

“Oo naman. Actually, siya nga ang nagsasabi sa akin na, ‘huwag kang sasali kapag sinasabi ng tao, sasali ka. Sumali ka dahil gusto mo. Huwag kang ma-pressure na, ‘sumali ka na, sumali ka na!’

“Sabi niya, huwag daw akong makinig sa ganu’n. Kasi baka daw sumali akong hilaw, na ayaw ko naman pala, pangit nga naman yun,” katwiran niya.

Eh, paano na ang dream niya na maging beauty queen? Bibitiwan na ba niya ito lalo pa nga she’s turning 25 years old next year?

“Yon nga, eh. Last chance ko na next year. Miss World sana this year kaso nga may malaking project. Sayang naman,” buntong-hininga niya.

Patuloy ni Wynwyn, “Na-disappoint ako nung una (kong sali), pero konti lang. Okay naman yung kinalabasan, eh. Kahit hindi ako nanalo ng crown, marami pa ring opportunities na pumasok.

“Kumbaga, mas naipakita ko kung sino talaga ako. Nakasagot ako nang maayos sa Q&A, yun ang importante.

“Kasi siyempre, ayaw mo namang mapahiya, di ba? Kasi yung tatay ko baka batuhin ako ng upuan habang sumasagot. Hahaha!”

When asked about the status of her relationship kay Mark at kung anong level na ito, sey ni Wynwyn, “Level? Wala namang level.

“Sabi ko nga, if you are in a relationship, why would you think na parang pang-short time lang. Siyempre, kapag nasa relasyon ka, iisipin mo na sana in the end, siya na.”

One year and four months na ang relasyon ng dalawa at ayon naman kay Mark, si Wynwyn na ang last girl sa buhay niya.