• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales talks about his new project with director Paul Soriano.

Jericho Rosales reveals one of his favorite surfing spots

Jericho Rosales talks about his new project with director Paul Soriano.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/30/2017 09:56 AM
Jericho Rosales reveals one of his favorite surfing spots

053017-JerichoRosales_PUSH.jpg

Nagsisimula na sa panibagong proyekto ngayon ang aktor na si Jericho Rosales para sa isang pelikula kung saan makakasama niya ang aktres na si Erich Gonzales. Ayon kay Echo, malapit sa puso niya ang bagong proyekto na may tema ng surfing.


"I'll be going to Siargao whole month of May para mag-shoot ng movie with Paul Soriano, Erich Gonzales, and Jasmine Curtis. Buong month ng May kami mag-surfing doon kaya surfing ang theme."

Kuwento pa ng aktor matagal na niyang pangarap na makatrabaho si direk Paul Soriano.

"It's a dream project for me kasi matagal ko ng gusto makatrabaho si Direk Paul Soriano and finally nakahanap kami ng perfect script for the movie."

Bilang kilala na mahilig surfing, hindi maitatanggi na talagang malapit ito sa puso ni Echo. Sa katunayan, bukod sa isla ng Siargao isa din sa sikretong pinupuntahan ni Echo ang mga beaches ng Catanduanes para mag-surfing gaya ng Puraran Beach.

"Catanduanes ako siyempre, pasensiya na ayaw ko din kasi masyado i-promote kasi baka maging commercial na din e. Pero hindi napaka ganda ng Catanduanes."

Pabaon pa ni Jericho ang tips kung paano maging safe sa surfing.

"I encourage everyone to discover new places, just don't be alone when you go surfing and when discovering new beaches para safe palagi," pagtatapos ni Echo.