• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Prime Cruz says that ‘Can We Still Be Friends’ is not just for millennial audiences.

Director Prime Cruz on working with Gerald Anderson and Arci Muñoz: ‘Na-starstruck po talaga ako’

Director Prime Cruz says that ‘Can We Still Be Friends’ is not just for millennial audiences.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/30/2017 09:51 AM
Director Prime Cruz on working with Gerald Anderson and Arci Muñoz: ‘Na-starstruck po talaga ako’

053017-PrimeCruz_PUSH.jpg

Masuwerte ang baguhang indie direktor na si Prime Cruz dahil pinagkatiwalaan agad siya ng Star Cinema na humawak mainstream film na Can We Still Be Friends na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Arci Muñoz.

Dalawang pelikula na ang nagawa ni Direk Prime. Siya ang direktor ng Sleepless na romcom at ang Manananggal sa Unit 23-B na isa namang dark romance.


Paano nga ba niya nakuha ang project from Star Cinema?

“Pinaka-first job ko po right after graduation ay sa Concept Development Group (CDG) ng Star Cinema. Tapos after kong gumawa ng two indie films, tinawagan po nila ako na mag-pitch ng story.

“May nakabangko ho kasi kaming story ni Jen (name ng GF na scriptwriter din), tapos nag-pitch kami ng tatlo o apat na concepts tapos ito yung pinaka-nagustuhan nila kaya ito yung dinivelop namin,” simula niyang kuwento sa PUSH.

Dahil baguhan, hindi raw naiwasang kabahan siya sa mga unang araw ng syuting ng Gerald-Arci reunion movie.

“Siyempre, nu’ng first day sobrang kabado, ganyan. Tapos siyempre, iniisip mo rin yung mas maipapalabas siya sa mas maraming tao.”

Na-starstruck din ba siya sa dalawa?

“Na-starstruck po talaga ako at saka alam kong hit yung last movie nila (Always Be My Maybe). Tina-try ko na lang siyang huwag isipin, kasi pag inisip mo na yon… pressure di ba?” pag-amin ng direktor.

Dagdag pa ni Prime, “Pero ako, enjoy naman po kasi and surprisingly, hindi naman pala sila nakaka-intimidate kapag nasa set na. Very collaborative sila and fun naman po.

“Sobrang happy po ako with the cast, totoo! Kasi, tina-try talaga nila, collaboration talaga.

“Ako po kasi, naniniwala ako na yung naiisip mo, saka yung nakasulat, may sariling take do’n yung actor. Kaya sa set laging tinatanong even after the take na, ‘Ano sa tingin mo?’

“Tinatanong ko sila kung anong mas naramdaman mo, bakit mo ginawa yan, ba’t naging ganito yung desisyon mo? For me kasi, ang actor part sila ng pag-build ng character,” paliwanag niya.

“Para kasama ko sila sa decision-making process, kung ano yung ima-mark ko na good take.”

Nilinaw naman ni Direk Prime na hindi lang pang-millennial audience ang Can We Still Be Friends.

“Ako po personally, ayokong isipin na for certain audience lang siya. Siguro nakuwento ko lang yung naramdaman ko, naranasan ko.

“Tapos parang masaya lang po, parang nag-stick lang ako sa story talaga and not really trying to cater to certain audience,” pahayag pa niya.