• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng batikang manunulat na malaki ang puso ng direktor lalo na sa mga kapus-palad.

Award-winning writer Lualhati Bautista inalala si direk Gil Portes

Sinabi ng batikang manunulat na malaki ang puso ng direktor lalo na sa mga kapus-palad.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/30/2017 09:30 AM
Award-winning writer Lualhati Bautista inalala si direk Gil Portes

053017-GilPortes_PUSH.jpg

Isa sa malalapit na kaibigan sa showbiz ng namayapang direktor na si Gil Portes ay ang award winning screen writer at novelist na si Lualhati Bautista na binalikan ang mga 'di nya malilimutang tagpo kasama ang pumanaw na film maker. Hindi nya makakalimutan ang kababaan ng loob nito at pagiging matulungin sa nangangailangan.

"Maingay lang iyang si Gil, but he had a good heart. Minsan, sumakay kami niyan ng tricycle na de padyak. malapit lang, P20 lang ang sinisingil but he gave the driver P100 kasi daw, nakakaawa, ang hirap yatang mag-de padyak," bungad ni Lualhati.


Isa pang di malilimot na tagpo ng book author ang mga sampaguita na binili ni Direk Gil para makauwi na ang bata na nagtitinda nito.

"Another time, 1 AM, galing kami sa Makati, may batang nagtitinda ng sampaguita. Binili niya lahat para makauwi na 'yung bata. Tapos sabi niya sa akin, 'Ano kaya ngayon ang gagawin natin dito sa sampaguita?'" kwento pa nito.

Nasa Pagbilao, Quezon Province ang mga labi ni direk Gil Portes na ihahatid sa kanyang huling hantungan ngayong May 29. Last May 27 isang tribute ang naganap para sa film maker sa Holy Trinity Chapel sa Sucat, Paranaque na dinaluhan ng kanyang mahal sa buhay, mga kaibigan at katrabaho sa pelikula.

Naiwan ni Direk Gil ang asawang si Telly at mga anak na sina Carlo at Justin.

Ilan sa mga pelikula ni Direk Gil na di makakalimutan ay ang : "Andrea Paano ba Ang Maging Isang Ina?"; "Merika" at "Markova Comfort Gay".