Veteran actor Romeo “Bobby” Vasquez passes away

Albert Martinez’ father-in-law passed away at the age of 78.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/3/2017 12:22 PM
Veteran actor Romeo “Bobby” Vasquez passes away


050217-RomeoVasquez_PUSH.jpgPumanaw sa edad na 78 ang veteran actor na si Romeo "Bobby" Vazquez. Sa social media post ng apo ng aktor na si Alyanna Martinez, pumanaw ang kanyang lolo sa Kaiser Permanente Hospital sa Amerika.

Sa status ni Alyanna, sinabi pa nito na magkasama na sa langit ang kanyang lolo Bobby at ina na si Liezel.

"Reunited now in heaven with Mama on her 32nd wedding anniversary #LoloBobby," sinabi ni Alyanna sa caption ng kanyang picture.

Sa instagram account naman ni Albert Martinez, asawa ni Liezel, nagbigay tribute ito sa pumanaw na father-in-law :

"My father-in-law. My best friend … you will be missed #romeovasquez," sabi ni Albert. "Gone too soon."

050217-RomeoVasquez1_PUSH.jpg

Naging asawa ni Romeo Vasquez ang movie queen na si Amalia Fuentes na ina ni Liezel.

Nakilala bilang matinee idol ng Philippine Cinema, sumikat si Romeo Vasquez sa mga pelikulang: "Pretty Boy (1957)," "Ako Ang Maysala (1958)," "Sapagkat Ikaw Ay Akin (1965)" at "Maruja (1967)."

Nakilala rin siya bilang leading man ng Star for All Seasons na si Vilma Santos, at isa sa huling pelikula na ginawa niya ang "Vizconde Massacre" movie bilang si Lauro Vizconde.