Ai-Ai delas Alas chooses to be celibate before her wedding

Ai-Ai delas Alas reveals she is celibate

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/03/2017 09:30 AM
Ai-Ai delas Alas chooses to be celibate before her wedding

050317-AiAi_PUSH.jpgSa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Ai-Ai delas Alas kung bakit niya nadesiyung magpakasal sa kanyang fiancé na si Gerald Silayan. “About naman sa relationship ko kay Gerald, feeling ko kuntento na ako and ito na yung bigay sa akin.”

Nang tanungin kung papaano nangyari ang proposal sa kanya ni Gerald ang sabi ni Ai-Ai ay, “Isang gabi ininis niya ako talaga ako e. Naiinis ako talaga sa kanya nung gabi na yun, hindi pwedeng sabihin e. Tapos may kinuha siya dun sa cabinet. Tapos ayan, ‘O will you marry me.’ Sinabi ko lang na isang gabi ginising niya ako pero sa totoo lang ininis niya muna ako bago mag-propose.”

Nang kumustahin naman ang kanyang sex life, sinabi ni Ai-Ai na “celibate” siya. “Nung una nirequire sa akin ni RIP, ni best friend father Eric. Nung tumanggap ako ng Papal award, (sinabing) Nene I think mag abstain ka muna from sex. Sige po Father, bago niyo pa po sinabi, dinisiyunan ko na yun. Sinabi ko na kay Gerald na wag muna, tinaggap naman niya yun maluwag that’s why I think feeling ko isa siya sa sign.”


Ang pag-abstain daw ni Ai-Ai mula sa physical intercourse ay, “hanggang ikasal kami.”

Dalawang beses sila ni Gerald ikakasal. “sa America sa November kasi inisponsoran kami. Yung dito sa Pilinas, 2018 pa.” Ai-Ai revealed host Boy Abunda is one of the ninongs of her wedding.