• Home
  • Fresh Scoops
  • Samantha “Gracia” Lopez is given a second chance to patch up her relationship with daughter Kaye.

What happened to Samantha Lopez aka “Gracia?”

Samantha “Gracia” Lopez is given a second chance to patch up her relationship with daughter Kaye.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/28/2017 12:31 PM
What happened to Samantha Lopez aka “Gracia?”

052917-Gracia_POTD.jpg

Sa Rated K, nagkwento si Samantha Lopez o mas kilalang “Gracia” noon sa isang noontime show kung ano ang naging buhay niya matapos niyang iwan ang showbiz. 

Lumipad si Gracia papuntang Amerika kung saan siya naging waitress at bartender sa isang Italian restaurant. Nakilala niya ang isang negosyanteng mayaman, na-in love at ‘di nagtagal ay nagpakasal. 


Pero ayon kay Gracia, nagkaroon sila ng problema. “Gusto ko pa ng anak, ayaw niya. Umabot sa point na hindi na kami nagsisiping. Hanggang sa nagkalayo na yung loob namin. Ako ‘yung na-fell out of love. Wala na talaga.” 

Aniya, nagdesisyon siya na iwan ang kanyang asawa na pitong taon din niyang nakasama. 

Sa Pilipinas naman, naghihintay sa kanya ang anak na si Kaye. Anim na taon ito nang umalis si Gracia noon. 

Ayon kay Kaye, hindi maiiwasang lumaki siyang may sama ng loob sa kanyang mga magulang. “Growing up na separate ang parents, tapos pareho pang nasa ibang bansa. Siyempre mahirap na laging yaya ang kasama or lola.” 

Dahil dito kaya nagrebelde daw si Kaye kung kaya’y maaga siyang nagkaroon ng anak, si baby Lucas. Pero ani Kaye, tinuturing niyang blessing ang anak at dahil rin sa baby ay mas naiintindihan na niya ang kanyang ina. 

Ani naman ni Gracia, “I wasn’t really the greatest mom. So nabigyan ako ng second chance not only to be a better mother, but to be a great grandmother.” 

Isa ng real state broker si Gracia sa New York at looking forward diumano siya na ayusin ang relationship nila ngayong mag-ina.