• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado ang aktres na nagulat siya at kinuha pa siyang beauty endorser sa edad na 46.

Sylvia Sanchez, nagpapayat para magmukhang bagets?

Aminado ang aktres na nagulat siya at kinuha pa siyang beauty endorser sa edad na 46.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/28/2017 12:22 PM
Sylvia Sanchez, nagpapayat para magmukhang bagets?

052817-SylviaSanchezr_PUSH.jpg

Sa tinagal-tagal na sa showbiz ni Sylvia Sanchez ay ngayon lang siya nagkaroon ng kauna-unahang product endorsement kaya naman during the launching/presscon of BeauteDerm soap ay hindi pa rin siya halos makapaniwala.

Lalo nang nagulantang si Sylvia nang ipakita sa presscon ang naglalakihang billboards niya na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA at sa iba’t ibang probinsya sa bansa.


“Wala. Speechless ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na ngayong 46 na ako, eh, meron pa akong ganito, may endorsement pa ako,"  bulalas ni Sylvia.

“Siyempre, nagpapasalamat na pinagtitiwalaan ako nang ganito. Malaking bagay ito para sa akin,” dagdag niya.

Bago ang kanyang launching as endorser ay nagbawas din daw siya ng timbang at nagpunta sa gym.

“Kailangan, kasi para hindi lang kasi mukha ang kailangang makita ng mga tao. Dahil ikaw ang nakikita sa BeautéDerm, kailangang susunod din ang katawan. Kasi aminin natin, ang laki ko.

“Lumiit na po ako dahil nagdyi-gym ako araw-araw! Ha! Ha! Ha!” natatawa niyang kuwento.

In fairness, medyo pumayat na nga si Ibyang. Handa na rin ba siyang muling ipakita ang kanyang kaseksihan?

“Sure, why not? You know, pag artista ka, kailangan. At least may karapatan,” natatawa niyang sagot.

“Kasi, sabi ko nga, lahat ng roles na ginagampanan ko ngayon, 50, 55 (years old), so ang tingin nila sa akin sa screen, matanda na.

“Natutuwa talaga ako na nawi-witness lahat ng mga kaibigan ko, ng pamilya ko, meron pa nga minsan, ‘Si Sylvia ba iyan? Batang-bata,’ parang ganun.’” pagmamalaki pa ng aktres.

Tinanong din si Sylvia kung kaya na rin ba niyang mag-two-piece sa pictorial.

 “Huwag namang two-piece. One-piece, puwede naman yun. Ako naman prangka naman ako, wala naman tayong itinatago.

 “Ilan na ang anak ko, meron tayong stretch marks. Pero kung skin, mukha, okay naman ako diyan.

 “Kasi ayokong mag-two piece, tapos dadayain. Ayoko nun. Ipakita natin yung natural. Kaya nga nung tinanggap ko itong endorsement na ito, gusto kong ipakita yung totoong ako, ayokong dayain,” rason pa ni Sylvia.