• Home
  • Fresh Scoops
  • New York-based Pinoy fashion designer Joyce Pilarsky wants fashion to use fashion to push environmental causes.

New York-based Pinoy fashion designer wants to make a record-breaking gown

New York-based Pinoy fashion designer Joyce Pilarsky wants fashion to use fashion to push environmental causes.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/28/2017 09:11 AM
New York-based Pinoy fashion designer wants to make a record-breaking gown

052817-Designer_PUSH.jpg

Bagong record ang nais itala ng New York-based fashion designer na si Joyce Pilarsky at ito ang mairampa sa tradisyunal na Santacruzan ang pinakamahaba at makulay na Santacruzan gown.


Dalawang buwan na in the making ang obra niyang ito na may temang pagmamahal sa kalikasan.

“May waterfalls siya. I wanted to portray nature ang favorite ko yung waterfalls natin, yung flowers natin. Yung swan nilagay ko sa gitna as a symbol of love."

Seven feet na canvas train na hand painted na tadtad ng beads na gawa sa south sea pearls yantok at drift wood at mga telang gawa sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.

Para kay Joyce ito din ang kanyang paraan sa pagbuhay sa tradisyon ng Santacruzan tuwing Mayo at pag papatuloy ng adbokasiya para sa kalikasan.

"As Mrs. Eco-tourism 2017 gusto ko kasi ang mga tao ay maging aware sa conservation ng nature natin. Gusto ko nga one day magkaroon ng tree planting projects sa mga empty spaces natin."

Plano ni Joyce na ilagay sa isang museum ang gown pero open din siya sa options na ipasuot ito sa ibang local personalities.

“Gusto ko si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (laughs) love ko kasi siya!”

Suot ang iconic Santacruzan gown rarampa si Joyce Pilarsky kasama ng ilan pang showbiz personalities ngayong linggo May 28 sa Grand Santacruzan ng Santa Rita de cascia parish sa Quezon City.