• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss International 2016 Kylie Verzosa will be passing on her crown later this year.

Miss International announces place and venue for 2017 pageant

Miss International 2016 Kylie Verzosa will be passing on her crown later this year.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/28/2017 09:06 AM
Miss International announces place and venue for 2017 pageant

052817-MissInternational_PUSH.jpg

Inihayag na ng organizers ng Miss International beauty pageant kung saan at kailan magaganap ang 2017 edition ng prestigious beauty search. Magaganap ito sa November 14 na siya ring 57th year anniversary ng isa sa pinakasikat na pageant na sinasalihan ng maraming bansa.

Ito rin ang culmination ng reign ni 2016 Miss International na si Kylie Verzosa mula sa Pilipinas kung saan ipapasa na niya ang korona sa kanyang successor.


Ang venue ay sa Tokyo Dome City Hall, Japan. Inaasahan na 70 delegates mula sa iba’t-ibang mga bansa ang magtutunggali para sa title.

Magsisidatingan ang delegates simula huling linggo ng Oktubre kung saan dadaan sila sa iba-ibang segments ng competition para sa Miss International. Gaya ng ibang pageant, inaabangan ang National Costume, Swim Wear, Evening Gown at ang speech na unique sa Miss International.

Si Kylie Versoza ang pang-anim na Pinay na nanalo ng title pero ang Venezuela pa rin ang may pinakamaraming panalo with seven wins na ang latest ay nakuha ni Edymar Martinez noong 2015.