• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia’s onscreen partner Joshua Garcia used to be close with Loisa, who was his co-housemate in PBB.

Loisa Andalio keeps mum after being asked, “Nagseselos ka kay Julia (Barretto)?”

Julia’s onscreen partner Joshua Garcia used to be close with Loisa, who was his co-housemate in PBB.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

05/28/2017 12:32 PM
Loisa Andalio keeps mum after being asked, “Nagseselos ka kay Julia (Barretto)?”

052917-LoisaAndalio_PUSH.jpg

Sa Sunday episode ng Gandang Gabi Vice, Mayo 28, tinanong ni Vice Ganda si Loisa Andalio kung naging boyfriend ba niya si Joshua Garcia na dati niyang co-housemate sa Pinoy Big Brother: All In.

"Yung naging best friend ko po na lalaki si Joshua kasi nag-start 'yun sa 'PBB' hanggang sa paglabas. Pero ngayon, medyo hindi na masyado," sagot nito.


Nali-link din ngayon si Loisa kay Hashtags member Ronnie Alonte na itinanggi naman ng aktres. 

"Taray no? Ex mo si Joshua, ngayon si Ronnie. Nagpapansinan kayo ni Julia? Kasi 'yung parehong love teams niya. Nagseselos ka kay Julia, somehow?" ani Vice.

Natawa lamang si Loisa at hindi ito sinagot.

"So nagseselos siya, nahihiya lang siyang sabihin. Normal naman 'yun, siyempre in love ka," ani Vice.