• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd says “La Luna Sangre” is definitely something to watch out for.

John Lloyd Cruz gives an update on new movie with Sarah Geronimo and TV series with Angel Locsin

John Lloyd says “La Luna Sangre” is definitely something to watch out for.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/28/2017 12:43 PM
John Lloyd Cruz gives an update on new movie with Sarah Geronimo and TV series with Angel Locsin
052817-JohnLloydCruz_PUSH.jpg
Nagbigay update ang aktor na si John Lloyd Cruz para  sa balik tambalan nila sa pelikula ni Sarah Geronimo na wala pang final title. Pero ayon kay John Lloyd  ibang iba ito sa mga nagawa nila ni Sarah.

“Nakakapanibago siya, bago para sa amin ni Sarah and bagong direktor pero iyun naman ang dahilan hindi naman pwede lahat na lang nakasanayan na lang natin,” unang bungad nito.  

Dahil parehong busy ang dalawa, kuwento ni John Lloyd hindi pa sila nagkakaroon ng bonding moment ni Sarah.

“Nakikita ko lang siya kapag may shooting nakikita ko siya kapag nagpe perform siya pero sa personal im still guessing it's been a while since huling nagsama kami medyo nagkakapaan pa ulit,” sabi ni Lloydie. 

Bukod sa pinagkakaabalahan na pelikula, abala rin si John Lloyd  para sa nalalapit na pagsisimula ng teleseryeng La Luna Sange kung saan makakasama niyang muli si Angel Locsin. Naging hot topic sa social media kamakailan ang teaser ng serye.

“Abangan nyo kasi binigyan ng bagong timpla from Lobo to Imortal, excited ako sa programang ito yung ngayon mas naka focus doon sa dalawa,” pagtukoy ni John Lloyd sa mga bidang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 


Aniya sadyang nabilad sila sa init ng araw dahil sa mga naging eksena sa La Luna Sangre na dapat abangan ng manonood.
“With so much heart! Exciting ito abangan niyo,” pahayag ng aktor.