• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano also wants son Gab to be mindful of his health.

Gary Valenciano shares his thoughts on son Gab Valenciano’s career

Gary Valenciano also wants son Gab to be mindful of his health.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/28/2017 09:18 AM
Gary Valenciano shares his thoughts on son Gab Valenciano’s career

052817-GaryValenciano_PUSH.jpg

Mula sa success ng Gary V Presents season finale, muling umarangkada si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa series of concerts niya na Gary V Live sa ilang parte ng America kung saan bibisita siya sa Las Vegas, California, at Utah.


Bago tumulak pa-America, nakapanayam ng PUSH si Gary tungkol sa career path ng kanyang anak na si Gab Valenciano kabilang na ang pansamantalang pag talikod nito sa showbiz pagkatapos ng finals ng I Can Do That.

Bilang isang ama, all out support si Gary sa mga desisyon ng kanyang mga anak lalo na sa career ng mga ito.

"They've all had their moments of difficulty. There’s a particular stage that’s always enhanced when you’re in showbiz kaya kung ano man ang desisyon nila nandito lang ako to guide them."

Todo din sa pag-alala ni Gary para sa kalusugan ng anak na patuloy ang paghahanda para sa finale ng I Can Do That.

"Si Gab is Hypoglycemic. Bumababa yung sugar niya pero hindi ibig sabihin diabetic siya iba yun from my situation. Sa kanya kasi nag po-produce ng sobrang insulin ang katawan niya which my body needs. Kaya minsan sa I Can Do That I always remind him to check niya yung sarili niya para magawa niya yung mga maximum stunts na nag aalangan siya because of his sugar," paliwanag pa ni Gary.

Ganun pa man todo pa din ang suporta ni Gary kahit na hindi siya personal na makakapanuod sa pinaghandang stunts ng anak bilang I Candidate sa I Can Do That.

"I won't be here, but I told him to do his best but I will call him nalang siguro before and after the show," pagtatapos ni Gary.