• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata and Edward Barber say they are making sure they stay humble.

Maymay Entrata and Edward Barber excited about their first London trip together

Maymay Entrata and Edward Barber say they are making sure they stay humble.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/27/2017 09:35 AM
Maymay Entrata and Edward Barber excited about their first London trip together

052717-MayWardFinal_PUSH.jpg

Masaya at thankful ang MayWard tandem na sina Maymay Entratra at Edward Barber para sa patuloy na blessings na kanilang natatanggap ngayon.

Kabilang dito ang inihahandang pelikula ng Star Cinema na Loving In Tandem kung saan makakasama ng MayWard sina Kisses Delavin at Marco Gallo.


Sa panayam na ito kay Maymay at Edward, aminado sila na hindi na nila maikakaila na unti-unti na silang nasasanay sa buhay artista.

"Patuloy po akong nai-inspire sa kanila at unti-unti na po ako nasasanay na may mga bumabati na po sa akin na artista. Pero ganun pa man po nag-iiwan pa din po sa akin ang lesson ng pagiging isang artista," pahayag pa ni Maymay.

Nasasanay man sila sa buhay showbiz, hindi pa din umano nakakalimot ang dalawa na panatiliin ang kababaan ng loob.

"Personally it's a choice if you allow yourself to feel that 'I'm better than you because you've done this' it's a choice po," sabi pa ni Edward.

Para naman kay Maymay ang mga pinagdaan sa buhay ang sisilibing inspirasyon upang mapanatili ang pagiging humble.

"Huwag po magsawa na mag pasalamat sa lahat hindi lang sa mga bagong nakilala mo, kundi sa mga taong tumulong sa ’yo noon para matupad mo ang mga pangarap mo," ani pa ni Maymay.

Bukod sa iba’t ibang showbiz commitments dito sa Pilipinas, excited din sina Maymay at Edward para sa nakatakdang paglipad nila together sa London para sa isang concert doon sa darating na Hulyo.

"Masayang masaya ako kasi libre tapos London pa my gosh! (laughs) Sa PBB nakalibre ako ng Hong Kong ngayon London naman. Hindi ko na talaga palalampasin to at i-eenjoy ko talaga ‘to," excited na pahayag ni Maymay.

Hindi din maikakaila ni Edward ang excitement dahil matatapat ito sa kanyang birthday.

"I think it will be around on my birthday ( July ) and I'm happy because I will spend my birthday in England and I have the chance to meet my grandparents there," ang pagtatapos niyang pahayag.