Joel Cruz reveals the names of his third set of twins

Joel Cruz’s twins were born in Russia.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

05/27/2017 09:16 AM
Joel Cruz reveals the names of his third set of twins

052717-JoelCruz_PUSH.jpg

Ibinalita ng radio host na si Ahwel Paz sa kanyang programang Mismo sa DZMM na naipinanganak na sa Russia noong May 25, 7 pm (Manila time) ang third set of twins ng fragrance entrepreneur na si Joel Cruz. Kamakailan lang ay ibinalita rin sa programa na pumunta ang multi-millionaire perfumer sa Russia bago sila ipanganak.

Pinangalanang Prince Charles at Princess Charlotte ang kambal. Ang ibang kambal naman ni Joel ay sina Prince Sean at Princess Synne, at Prince Harry at Prince Harvey.


Nabuo ang mga anak ni Joel sa pamamagitan ng in-vitro fertilization at isang surrogate mother lamang ang nagluwal sa kanilang lahat.