• Home
  • Fresh Scoops
  • Wynwyn Marquez says her half-brother Mark Anthony Fernandez is doing better.

Wynwyn Marquez gives an update on brother Mark Anthony Fernandez

Wynwyn Marquez says her half-brother Mark Anthony Fernandez is doing better.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/26/2017 10:03 AM
Wynwyn Marquez gives an update on brother Mark Anthony Fernandez

052617-WynMarquez_PUSH.jpg

Sa interbyu ng PUSH kay Wynwyn Marquez sa presscon ng kanyang bagong project sa GMA ay hiningan namin siya ng update sa half-brother niyang si Mark Anthony Fernandez na nakakulong pa rin ngayon sa Pampanga.

Matatandaang inaresto si Mark ng mga pulis nang mahulihan ito ng marijuana sa kanyang sasakyan.


Kumusta na ba si Mark?

“Okay naman po siya, I mean, he looks really good. Nadalaw namin siya siguro mga 4 or 5 times na,” kuwento ng anak ni Alma Moreno at Joey Marquez.

Patuloy pa ng dalaga, “Okay na siya and I’m happy that he's clean. Pero siyempre, I still can't talk about his case kasi it’s ongoing. Pero okay siya.

“Kasi kami, like my mom stays in Pampanga. Also kapag walang work lagi siyang andu'n.”

Ano’ng sinasabi ni Mark sa inyo?

“Wala. Nangungumusta lang. Nagkukuwentuhan about life. We're still hopeful na sana makalaya. Ang importante, maipa-feel namin sa kanya na kahit nasa loob siya, we're still here for him,” wika pa niya.

Eh, si Alma, umiiyak pa rin ba?

“Hindi kasi niya pinapakita, eh. Si mama, strong. Ayaw na ayaw niyang ipakita na umiiyak siya,” tugon ni Wynwyn.

Hindi ba nade-depress si Mark sa loob ng kulungan?

“Hindi ko pa naman nakikitang nade-depress. Ayokong makitang nade-depress si kuya pero kapag kinakausap siya, he's very positive. Alam mong positive siya kasi he's not taking any drugs.

“He's clean. Okay siya and he's really doing very well,” pagdidiin pa niya.

Hindi ba nami-miss ni Mark ang showbiz?

“Nababanggit niya minsan.”

Maganda na ba ang attitude ni Mark ngayon?

“Okay naman siya eversince. Maayos, masaya. Masaya rin kami na okay pa rin siya. Sana makalaya na. Sana, sana, sana. Positive lang.”

Hindi ba nahihirapan si Mark sa pag-a-adjust sa loob?

“At first. Sino ba namang hindi mahihirapan? Pero ngayon unti-unti ko na siyang nakikitang ngumingiti. Mababait din naman yung mga kasamahan niya.

“Kasi ’yung mentality ng tao kapag nasa kulungan ka, masama ka na. Hindi naman. Mababait naman sila,” pahayag ng half-sister ni Mark Anthony Fernandez.