• Home
  • Fresh Scoops
  • Joven Tan still wants to join this year’s Himig Handog even if he is busy directing a new movie.

EXCLUSIVE: Joven Tan has tips for aspiring songwriters joining this year’s Himig Handog

Joven Tan still wants to join this year’s Himig Handog even if he is busy directing a new movie.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/26/2017 09:54 AM
EXCLUSIVE: Joven Tan has tips for aspiring songwriters joining this year’s Himig Handog

052617-JovenTan_PUSH.jpg

Bilang grand winner ng Himig Handog P-Pop Love Songs noong 2014 para sa kantang “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa” interpreted by Aiza Seguerra, nagbigay ng ilang tips si ang director-composer na si Joven Tan para sa aspiring composers na sasali sa 2017 Himig Handog.

Extended ang pagpapadala ng mga orihinal na komposisyon until May 31, 2017 kaya may chance pa na makahabol ang ibang composers.


Ani Joven, “Sa lahat ng contest, paghandaan. So, dapat kung sasali ka dapat yung unang five seconds pa lang ng kanta makukuha mo mo na kung sino man yung makikinig.

“Kung alam mong sasali ka sa Himog Handog Love Song dapat title (ng kanta) pa lang meron ka na agad. Kumbaga, pag nakita pa lang ng magre-review yung title, ‘Ah, okey!’”

Dapat din daw mamuhunan ang mga sasali para masigurado na maganda ang kalidad ng ipapadalang material.

“Dapat yung quality okey kapag pinapakinggan na nila. Kumbaga, sumasali ka sa contest so dapat mamuhunan ka rin. Kumuha ka ng areglong magaling, yung okey na magbo-voice demo… marami ka namang puwedeng pakiusapan, eh. Kasi yon ang magre-represent sa yo,” lahad pa ni Joven.

Iginiit din ni Joven na patas ang pagpili ng Himig Handog committee sa mga magiging finalist sa taunang songwring competition.

“Kasi nu’ng tinawagan ako ni Roxy (Liquigan ng Star Music), ‘Mr. Jovenor Tan, kasali po kayo sa Himig Handog.’ Sabi ko, ‘Roxy, si Joven ‘to!’ Alam mo yon, hindi niya alam na ako yung nagpadala. Nag-base talaga sila do’n sa kanta, sa mensahe nu’ng kanta,” kuwento niya.

Hindi naman napapagod si Joven na sumali ulit sa Himig Handog. In fact, kahit busy siya sa pagdidirek ng The Possible Dream ni Christopher de Leon ay may ipinadala ulit siya this year na sana raw ay mapili ulit.

Eh, bakit nga ba sali pa rin siya nang sali?

“Ang doctor ba kapag nakapagpagaling ng isang pasyente, humihinto na? Di ba hindi naman? Ganu’n lang yon. Lahat ng puwede kong gawin, gagawin ko hanggang may chance at hanggang may time.

“At saka, aanhin mo yung talent mo kung hindi mo ginagamit?” katwiran ni Joven.

Eh, what if hindi siya makapasok o mapili ano ang nararamdaman niya?

“Wala. Kasi contest yon, eh. So, pag sumali ka, either manalo or matalo. Eh, kung hindi ka sumali, talo ka agad. Pero kung sumali ka, one step closer ka na don sa mapipili,” rason ng dating Himig Handog grand winner.